Praning na female celeb pinagtatawanan ng mga kaibigan

By Cristy Fermin November 08,2019
share this

Praning na female celeb pinagtatawanan ng mga kaibigan

By Cristy Fermin November 08,2019
share this

PINAGTATAWANAN ng mga kaibigan ng isang kilalang female personality ang mga pinaggagagawa niya ngayong mga huling araw. Tawang-tawa sila dahil marami silang alam sa kuwento.

Wala raw sa sariling huwisyo ang babaeng personalidad, maigsi ang kanyang memorya, dahil parang kailan lang ay todo ang paninira niya sa kanyang kadugong female personality.

Kuwento ng isang source, “Naloloka sa kanya ang mga taong nakakaalam ng buong kuwento. Consistent daw ang female personality, consistent sa pagiging inconsistent niya!

“Parang kailan lang daw kasi, e, ganu’n na lang kung siraan niya ang taong dinidikitan niya naman ngayon. Marami siyang kuwentong nakakasira tungkol sa girl, kesyo mayaman nga raw, pero dinidiyos naman ang kayamanan niya!

“Kesyo ang gusto raw ng babaeng ‘yun, e, magmukha silang namamalimos bago sila tulungan. Ganu’n kung magsalita ang female personality na ‘yun dati, tapos ngayon, e, nakasiksik siya sa palda ng babaeng sinisiraan niya?” napapailing na chika ng aming impormante.

Very inconsistent nga raw ang female personality. Marami siyang kuwentong hindi niya naman napapanindigan. At praning pala ang babaeng ito.

Patuloy ng aming source, “One time, e, dumating siya sa isang place bitbit ang mga anak niya. Natural, dahil kilala siyang artista, e, nagtingingan sa kanya ang mga nandu’n!

“Ay, nagalit siya! Kinompronta niya ang mga nagtinginan sa kanya! Naloka ang mga nandu’n, wala naman silang pinag-uusapan tungkol sa girl, pero sinita sila!

“Bakit daw siya ginagawang topic, e, wala namang alam tungkol sa personal niyang buhay ang mga taong ‘yun! Bakit daw siya pinagpipistahan!

“Umalis siya, hinila niya ang mga anak niya, napaka-confrontational niya! Wala namang nag-uusap tungkol sa kanya, tiningnan lang naman siya nu’ng mga tao dahil artista siya, pero napraning na siya agad!

“‘Yun din ang dahilan kung bakit naloloka sa kanya ang mga mudra at alalay ng mga kaklase ng mga anak niya! Mabilis siyang magalit, agad-agad siyang naninita kapag may nag-uusap-usap!

“Kailangan niyang sumailalim sa anger management, hindi niya kayang kontrolin ang emotion niya! Bago pa siya paluin ng bareta ng sabon, e, magtigil na siya!” pagtatapos ng aming source.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong perpek kayong lahat ngayon!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending