Vice feel na feel ang pagmamahal ni Ion Perez: Kaya bakit ko pa siya itatago?!

By Cristy Fermin November 08,2019
share this

Vice feel na feel ang pagmamahal ni Ion Perez: Kaya bakit ko pa siya itatago?!

By Cristy Fermin November 08,2019
share this

ION PEREZ AT VICE GANDA

Mas nakakikilos na nang malaya ngayon si Vice Ganda. Wala na siyang itinatago pa. Lantaran na niyang inamin na isang taon na silang magkarelasyon ngayon ni Kuya Escort na si Ion Perez.

Naalala tuloy namin ang isang pamosong aktres na itinago ang kanyang pagdadalantao. Kilalang aktor ang ama ng dinadala nito. Sa mga interbyu ay palaging umiiwas ang aktres, nagiging pikon pa nga, hanggang sa isang araw ay inamin na nito ang katotohanan.

Natatandaan pa namin ang pahayag ng aktres habang umiiyak, “Napakahirap magtago ng katotohanan.

Araw-araw, lumalaki ang tiyan ko, ano ang susunod kong idadahilan sa mga nagtatanong? Napakahirap, kaya inaamin ko na ngayon, totoo, buntis ako.”

Tapos ang isyu. Wala nang mga blind items na pinagbidahan ang female personality, ano pa nga naman ang uusisain tungkol sa kanya, umamin na nga ang aktres tungkol sa kanyang kalagayan.

‘Yun din ang punto ni Vice. Bakit kailangan niyang itago pa ang relasyon nila ni Ion, samantalang mahal niya naman ito at ramdam din niya ang sobrang pagmamahal sa kanya ng binata, hindi nga naman parehas ang ganu’ng laban ng puso.

May karapatang lumigaya si Vice Ganda. Premyo niya ‘yun sa kanyang sarili. At may karapatan siyang ipagsigawan ang kanilang pagmamahalan umayon man o kumontra sa kanilang relasyon ang mundo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending