Seo Hyun Jin, Ra Mi Ran balik-drama sa ‘Black Dog’

By Bandera November 08,2019
share this

Seo Hyun Jin, Ra Mi Ran balik-drama sa ‘Black Dog’

By Bandera November 08,2019
share this

SEO HYUN AT RA MI RAN

KOREAN word of the week: “cheoncheonhi malhae juseyo” – sa Ingles ito’y ay “Please speak slowly”, at sa atin naman ay “pakibagalan ang pagsasalita mo.”

***

Bibida ang dalawang magaling na aktres na sina Seo Hyun Jin at Ra Mi Ran sa upcoming Korean drama Black Dog kasama si Ha Joon.

Kwento ito ni Go Ha Neul (Hyun Jin) na nakakuha ng posisyon para magturo sa isang pribadong paaralan.

Gaganap naman si Mi Ran bilang Park Sung Soon, ang head ng career counseling department sa paaralan.

Sasamahan sila ni Joon bilang Do Yeon Woo na isa namang Korean language teacher.

Huling napanood si Hyun Jin sa kanyang hit drama na The Beauty Inside (2018). Bumida rin siya sa mga seryeng Let’s Eat 3 (2018), Temperature of Love (2017), Dr. Romantic (2016-2017), Another Miss Oh (2016) at Let’s Eat 2 (2015).

Kabilang naman sa mga drama ni Mi Ran ang Melting Me Softly (2019), The Miracle We Met (2018) at The Gentlemen of Wolgyesu Tailor Shop (2016).

Napanood naman si Joon sa Arthdal Chronicles (2019), Bad Papa (2018) at Radio Romance (2018).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending