True ba, Bianca Umali muntik nang masagasaan si Ruru Madrid dahil sa matinding selos? | Bandera

True ba, Bianca Umali muntik nang masagasaan si Ruru Madrid dahil sa matinding selos?

Ervin Santiago |November 07,2019
facebook
share this

True ba, Bianca Umali muntik nang masagasaan si Ruru Madrid dahil sa matinding selos?

Ervin Santiago - November 07, 2019 - 02:20 PM

PUTOK na putok na ang balitang nagalit umano ang Kapuso actress na si Bianca Umali kina Ruru Madrid at Jasmine Curtis nang dahil sa matinding selos.

Ang chika, muntik na raw sagasaan ni Bianca ng minamaneho nitong sasakyan si Ruru sa parking lot ng SM Megamall sa Mandaluyong City. Ito’y naganap daw matapos ang premiere night ng pelikula nina Ruru at Jasmine na “Cara X Jagger”.

Nasa premiere night kami ng movie last Tuesday at nakita namin ang pagdating ni Bianca sa sinehan pero tumanggi siyang magpa-interview sa press at dali-daling pumasok ng theater.

JASMINE CURTIS AT RURU MADRID

Bago ito, nakausap namin si Ruru sa holding area ng SM Megamall cinema at sinabi niya na hindi makakapunta si Bianca sa premiere night dahil may trabaho pa ito, kaya nagulat kami dahil ina-announce ng mga host sa event ang pagdating ng rumored girlfriend ni Ruru.

Ayon sa isang source, hindi raw talaga invited si Bianca sa event kaya hindi in-expect ni Ruru na darating ito. 

Hanggang sa mabasa na nga namin ang pasabog na post ng isang reporter na malapit kay Ruru sa Facebook na, “Hayop!!! Walang breeding!!!” Ang hula ng maraming netizens ay si Bianca ang tinutukoy nito dahil nga kumalat na ang chika tungkol sa naganap sa premiere night.

May mga nagsabi rin sa amin na nasaksihan din nila na parang nagkasagutan sina Ruru at Bianca matapos na ang premiere night ng “Cara X Jagger.”

May nakakita rin daw na umalis si Bianca sa premiere night pero umalis din agad at dumiretso na sa parking lot para doon hintayin si Ruru. At dito na nga umano nangyari ang mainit na pinag-uusapang eksena ng rumored couple.

Gaano katotoo na nilapitan daw ni Bianca ang sasakyan ng aktor at tiningnan kung sino ang nakasakay dito. Nang makita raw na nasa loob si Jasmine kasama ang director ng pelikula na si Ice Idanan ay nagalit umao ito.

Dito na nga raw nagkaroon ng pagtatalo ang rumored couple hanggang sa itulak na umano ni Bianca si Ruru. Bumalik ang dalaga sa kanyang sasakyan at agad pinaharurot na tila sasagasaan daw si Ruru.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagulat sa ginawa ni Bianca ang aktor pati na ang tatay ng binata na napaiyak pa raw matapos ang insidente. Hindi raw nito maisip na magagawa iyon ng dalaga.

Bukas ang pahinang ito sa paliwanag nina Bianca at Ruru para maipaalam sa kanilang mga tagasuporta at kaibigan kung ano talaga ang tunay na nangyari.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending