Robin pinaiyak ang mga biktima ng lindol sa Mindanao; nagdala ng abuloy ni Digong | Bandera

Robin pinaiyak ang mga biktima ng lindol sa Mindanao; nagdala ng abuloy ni Digong

Alex Brosas - November 07, 2019 - 12:20 AM


NAGING emotional ang isang ale nang makita si Robin Padilla na pumunta sa lugar nila sa Makilala, North Cotabato para magdala ng relief goods sa mga nilindol.

In a short video on his Instagram, inaalo ni Robin ang aleng namatayan dahil sa lindol. Maraming followers sa IG si Robin na labis na naantig sa eksenang iyon nang umiiyak na ginang habang kino-comfort ng actor. Labis-labis din ang pasasalamat nila sa pagtulong ni Robin.

“Isang napakalaking pagpapala sa Allah ang maging tagapagdala ng pakikiramay at abuloy ni Mayor PRRD at ni Heneral SBG sa mga pamilya ng mga nasawi sa lindol. Hindi maipaliwanag sa aming mga damdamin ang nararamdaman na pakikiisa at pagdamay sa bawat isang kalungkutan,” caption ni Robin sa kanyang video.

Maraming nag-thank you sa aktor at nagsabing napaiyak din sila sa kanilang napanood.

“Makita lang po nila kyo doon na dinadamayan nyo sila ay ramdam na ramdam pa din nilang hindi sila nag-iisa sa pinagdadaanan nila! Maraming salamat My Idol Robin Padilla sa sobrang pagmamalasakit mo sa ating mga kababayan lalong lalo na sa ating bansa.

“Naway patuloy mong suportahan ang ating Tatay Pres. Rodrigo Duterte sa kanyang mabubuting hangarin sa ating bayan at sa mamamayang Pilipino!!! God bless you more!”

“Ang bait mo talaga idol robin kaya idol na idol kita ikw ang tunay na idol talaga idol ng bayan.”

“Mashallah. Inshaallah po sa lahat ng mga biktima soon you will be healed Allah is great (Allahu Akbar) at sa mga namatay Inshaallah all soul in paradise. Rest in peace, thanks po for kindness Sir @robinhoodpadilla.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending