Pangarap n’yo bang maging katropa ng ‘Bubble Gang’...may tips sa inyo si Bitoy | Bandera

Pangarap n’yo bang maging katropa ng ‘Bubble Gang’…may tips sa inyo si Bitoy

Bandera |November 06,2019
facebook
share this

Pangarap n’yo bang maging katropa ng ‘Bubble Gang’…may tips sa inyo si Bitoy

Bandera - November 06, 2019 - 01:15 AM

MICHAEL V. BILANG ALLAN PETER KUYA THANOS

GUSTO mo bang maging katropa ng longest-running gag show sa bansa na Bubble Gang?

Ngayong November nagse-celebrate ng kanilang 24th anniversary ang programa na pinagbibidahan nina Michael V, Paolo Contis at Antonio Aquitania at asahan na ang pasabog nilang two-part episode na pinamagatang “The ScAvengers” na inspired ng Hollywood movie na “The Avengers”.

Sa nakaraang presscon ng Bubble Gang para sa kanilang ika-24 anibersaryo, nagbigay ng tips ang multi-awarded comedian and content creator na si Bitoy para sa mga nangangarap na maging Bubble Ganger.

Aniya, unang-una na riyan ang pagiging natural comedian.

“Kailangan ‘yung ready na makipagkulitan talaga, ‘tsaka ‘yung pagiging wacky na natural kailangan lumabas ‘yun.

“Actually, hindi lahat ng nagsisimula sa Bubble, e, ganu’n agad.

“’Yung iba naggo-grow du’n sa Bubble. ‘Yung iba naman hindi nagtatagal dahil nga hindi namin nakikita ‘yung qualities na hinahanap namin. Pero palagi welcome naman ang lahat na mag-tryout dito.

“If it works out, then good. Kapag hindi, there will be other projects for them,” aniya pa.

At para nga i-celebrate ang kanilang 24 taon sa ere, isang espesyal na two-part episode ang mapapanood ng mga Kapuso viewers ala-The Avengers ng Marvel Studio, ang “The ScAvengers.”

Ayon kay Direk Bert de Leon, ito na ang pinaka-challenging sa lahat ng anniversary special na ginawa nila dahil sa mga action sequences at special effects. Sa katunayan, humingi pa sila ng tulong kay Direk Rico Gutierrez para mas lalong mapaganda ang kanilang anniversary special.

“This is my fourth anniversary special with Bubble Gang and I’m amaze the amount of energy and creativity that these guys and the whole creative team have put forth every year.

“Doon sa apat na ‘yun parang ito ‘yung pinakamabigat. Of course, special ‘yung Parokya, special ‘yun. But ito, it will even top that and tinulungan kami dito ni Director Rico Gutierrez,” ani Direk Bert.

Pagpapatuloy pa niya, “I’d like to acknowledge the hard work, mahirap, mahirap itong ginawa nilang ito.

“So, I’m sure pag inabangan niyo at pinanood niyo mare-realize niyo kung gaano ka-special ‘yung 24th anniversary ng Bubble Gang,” lahad pa niya.

Dagdag naman ni Bitoy, abangan daw ng mga manonood ang mga ginawa nilang fight scenes sa “The ScAvengers.”

“Medyo taxing siya ‘yung fight scenes. Actually, doon nagtagal kaya inabot ng 10 days. Kasi, siyempre, hindi naman kami lahat sanay sa mga fight scenes,” kuwento pa ni Michael V.

Dito gaganap si Bitoy bilang si Allan Peter Kuya Thanos, Betong Sumaya as Hulkluban, Mikoy Morales bilang si Squatterman, Chariz Solomon as Gumorah, Sef Cadayona as Boy Pana, Boy 2 Quizon bilang Captain American Tiki Tiki, Kim Domingo bilang Black Panty, Paolo Contis as Plantsa Man, at Antonio Aquitania as Thorpe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Don’t miss Bubble Gang’s two-part anniversary special “The ScAvengers” on Nov. 15 and 22 after One of the Baes sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending