Kilalang female celeb magaling gumawa ng ‘milagro’, marami nang nalokong tao | Bandera

Kilalang female celeb magaling gumawa ng ‘milagro’, marami nang nalokong tao

Cristy Fermin |November 05,2019
facebook
share this

Kilalang female celeb magaling gumawa ng ‘milagro’, marami nang nalokong tao

Cristy Fermin - November 05, 2019 - 12:30 AM

NAGTATANUNGAN ang magkakaumpukan nu’ng minsan kung paano nagagawang ipaglantaran ng isang female personality ang pakikipagrelasyon niya sa isang kilalang negosyante na naiintindihan naman ng kanyang ka-live-in ang kanilang sitwasyon.

Kung tawagin ng grupo ang female personality ay milagrosa. ‘Yun daw ang nararapat na ipangtawag sa aktres dahil sa maraming beses na niyang paggawa ng milagro ay parang sila pa rin naman hanggang ngayon ng ama ng kanyang anak.

Komento ng isang source sa umpukan, “Pero lokohin niya na lang ang lelang niyang panot! Ewan sa kanya, pero ang totoo, e, wala namang naniniwala sa mga pinaggagagawa niyang kaechosan!

“Sabi nga ng mga nakakakita sa mga inilalabas niyang pictures na magkakasama pa silang tatlo, e, ‘Aling Pacing, matagal nang bulok ang saging!’

“Sino naman ang unang-una niyang niloloko sa mga paeklay niya? Hindi naman ang publiko, hindi ang kahit sino, kundi ang sarili niya mismo!’

“Ang sarili niya ang pinakauna niyang niloloko, sa totoo lang! Kapag ang pagsisinungaling kasi, e, paulit-ulit na, ‘yung mismong liar, e, naniniwala na sa mga lies niya!” Napakadiing paliwanag ng aming source.

Nagtatawanan naman ang mga dating nakakasama ng female personality kung paano niya nagagawang paniwalain ang publiko sa kanyang mga milagro.

Sabi ng isang impormante, “Alam niya naman ang totoo, alam na alam niya! Siya pa ba naman ang hindi makakaalam ng katotohanan, e, siya ang gumagawa?

“Nakakaawa siya, hindi siya nakakainis, kasi, para lang siya makalusot sa mga pinaggagagawa niyang milagro, e, dumarating na siya sa ganyang point na ginagamit niyang props ang mga lalaki sa buhay niya!

“Di ba naman, nakakaawa ang mga taong ganu’n? Ang hinihintay na lang ngayon ng marami, e, kung kailan siya magigising sa katotohanan!” pagtatapos ng aming impormante.

Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala nang kailangang clue, getlak n’yo nang sigurado kung sino ang milagrosang babaeng ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending