Diego, Mykah naiyak sa presscon ng Bubble Gang | Bandera

Diego, Mykah naiyak sa presscon ng Bubble Gang

Bandera |November 05,2019
facebook
share this

Diego, Mykah naiyak sa presscon ng Bubble Gang

Bandera - November 05, 2019 - 12:25 AM

DIEGO LLORICO AT MYKAH FLORES

NALUHA ang dalawang komedyante ng Kapuso Network na sina Diego Llorico at Mykah Flores sa ginanapa na presscon kahapon ng Bubble Gang para sa ika-24 anibersaryo nito ngayong taon.

Naging emosyonal sina Diego at Mykah habang ikinukuwento ang naging journey nila sa 24 taon ng longest-running gag show sa bansa na pinangungunahan pa rin ng Kapuso genius na si Michae V.

Inilahad ni Diego sa harap ng press kung paano siya napasok sa Bubble Gang mula sa pagiging production assistant ng programa.

“Kaya ako naging part ng Bubble Gang kasi mayroong isang sketch du’n, di ba, na parang nahirapan yata sila sagay lingo. Hindi maintidihan nila, malalim, ako lang ‘yung nakakasalita ng tama. Ayun, doon nag-umpisa,” simula niya.

Mula raw noon ay sa Kapuso gag show na umikot ang buhay at career niya bilang artista. Sa loob daw ng dalawang dekada naging pamilya na niya ang BG.

“Siyempre, masaya ito, bale ‘yung buhay ko na. Bale magtu-25 years na ako sa Bubble Gang. Mula umpisa, so dito na umikot ‘yung mundo ko kasama si Bitoy,” aniya pa.

“Ito ‘yung pinakamalaking fulfillment sa buhay ko, Bubble Gang, siyempre, matagal na, e. This is my family,” dagdag pa ni Diego na nagsimula nang mapaiyak.

Todo naman ang pasasalamat ni Mykha kay Bitoy na siya ring creative director ng show. Aniya, utang niya sa komedyante ang pagiging part ng award-winning gag show.

“Sa pagtiya-tiyaga nila sa akin, si Kuya Bitoy, maraming-maraming salamat po kasi sa 24 years ko, sa tulong po ng mga kasama ko sa Bubble, nagtagal po ako ng 24 years dahil kay Kuya Bitoy, thank you po,” sabi ni Mykah.

Mapapanood na ang two-part anniversary special ng Bubble Gang na “The ScAvengers” sa Nov. 15 at 22 pagkatapos ng One of the Baes sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending