Magsasaka dinukot, pinatay ng armado | Bandera

Magsasaka dinukot, pinatay ng armado

John Roson |November 04,2019
facebook
share this

Magsasaka dinukot, pinatay ng armado

John Roson - November 04, 2019 - 03:18 PM

NATAGPUANG patay ang isang matandang magsasaka matapos dukutin ng armadong kalalakihan sa San Pablo, Isabela, Linggo ng gabi.

Nakilala ang biktima bilang si Nehemias Beran, 63, sabi ni Capt. Frances Littaua, tagapagsalita ng Isabela provincial police.

Sinabi sa pulisya ng anak ni Beran na si Nichelle na dinukot ng aabot sa apat na armado ang kanyang ama, sa kanilang bahay sa Brgy. Ballacayu, dakong alas-9:50.

Matapos iyo’y isinakay ng mga armado, na pawang mga naka-itim na bonnet, si Beran sa isang puting van na kanilang minaneho patungong timog, ani Littaua, gamit bilang basehan ang ulat na nakarating sa kanyang tanggapan.

Dakong alas-10:45, nakatanggap ang San Pablo Police ng impormasyon na isang lalaki ang natagpuang patay sa gilid ng kalye na malapit sa isang junkshop sa Ballacayu.

Natagpuan ang mga rumespondeng pulis ang bangkay, na sa huli’y napag-alamang kay Beran.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga nasa likod ng pagdukot at pagpatay, ani Littaua.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending