NAGBABALA ang mga siyentipiko sa Liverpoll University sa United Kingdom sa panganib na dala ng pagbibilad sa araw.
Makabubuti umano kung maglalagay ng sunscreen at alam ang tamang paglalagay nito.
Sa ginawang pagaaral, tiningnan ng mga sayantipiko ang mga tao sa paglalagay nila ng sunscreen, at meron silang napansin—hindi lahat ng dapat malagyan ay nalalagyan ng sun protection lotion.
Pinaglagay nila ng moisturizing cream with sun protection factor ang 84 estudyante sa Liverpool University sa mukha. Tapos isinalang ang mga ito sa ultraviolet rays at pinagkuhanan sa photographer na gumagamit ng UV-sensitive camera.
Sa average, 11 porsyento ng bahagi ng mukha ang hindi nalagyan ng sunscreen kumpara sa 17 porsyento na hindi nalagyan ng moisturizer.
Ang madalas na makalimutan ay ang balat sa paligid ng mata—ang bahaging ito ay mayroong mataas na tyansa na tubuan ng skin cancer.
Ayon kay Austin McCormick, consultant ophthalmologist at oculoplastic surgeon at isa sa may-akda ng pag-aaral, dapat ay bigyan ng atensyon ang paglalagay ng sunscreen sa eyelid area kapag naglalagay ng SPF cream.
Maaari rin umanong gumamit ng UV filter sunglasses bilang dagdag na proteksyon.
Bagamat ang araw ang pangunahing pinagkukunan ng Vitamin D, sinabi ng mga mananaliksik na madalas ay mas nagtatagal sa araw ang mga naglagay ng sun protection.
At dahil hindi nila nalalagyan ang SPF ang buong mukha ay tumataas ang tyansa na magkaroon ng skin cancer ang isang tao.
Sinabi ng mga may-akda ng pag-aaral na kinukumpirma ng kanilang ginawa ang mga nauna ng pag-aaral na nagsasabi na kulang ang kaalaman ng publiko sa sun protection.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.