Angel Aquino pinagsabihan ang anak na aktres: Wag gumawa ng walang kwentang pelikula | Bandera

Angel Aquino pinagsabihan ang anak na aktres: Wag gumawa ng walang kwentang pelikula

Julie Bonifacio - November 03, 2019 - 12:50 AM

ANGEL AQUINO AT IANA BERNARDEZ

APOLOGETIC ang isa sa stars ng “Metamorphosis,” isa sa mga entry sa Cinema One Originals, na si Iana Bernardez sa nasabi niya tungkol sa talent fee.

Si Iana ay eldest daughter ng dating modelo at aktres na si Angel Aquino kay Ian Bernardez.

Sa aming eksklusibong panayam kay Iana, nilinaw niya ang P800 na sinabi niyang TF ng talents sa pelikula sa grand launch ng Cinema One Originals 2019.

“The question was, does your mom help you choose your roles or your projects. Sabi ko, ‘Yes,’ based on the script, ganyan-ganyan. Pero sa mga times na hindi ko ipinapakita sa kanya, ‘yun nga, ‘yung mga ume-extra ako.

“Dahil doon, pinagsabihan niya ako, ‘Hay naku, Iana, nakita na naman kita. Andiyan ka na naman.’

Pinagsasabihan niya ako like, ‘Iana, protect naman your path. Protect your career,’ ganoon,” kwento ni Iana.

Say namin kay Iana, ‘yung value niya as an artist ang naaapektuhan kapag basta-basta na lang siyang napapanood sa movie na ‘di ganoon ka-significant ang role.

“Yeah, ‘yun ang sinasabi niya, ‘yung value mo. So, parang ako, syempre hindi ko rin naman sineseryoso ‘yun or inisiip. But this time, ‘yun na nga, kaya itong sa ‘Tia Madre’ that I produced, coming out sa Cinema One Originals also, there was a role na, ‘Si Iana na lang kaya?’

“Sabi ko, ‘Hindi na.’ Saka may Cinema One na ako, e. Parang ang sugapa ko na, ‘di ba? Saka kasi, support ako sa ‘Metamorphosis’ tapos extra ako sa ano…kaya iniisip ko na siya, naiintinidhan ko naman si Mommy,” paliwanag niya.

E, bakit nga ba niya nasabi ang P800 na TF ng mga talent? “Hindi, my God! Mga P1,000. Passersby, ibig kong sabihin, alam mo ‘yung, common knowledge naman.”

Bago kasi nag-artista si Iana, nagtrabaho muna siya bilang producer (line, associate) sa pelikula. Kaya may first-hand knowledge siya sa budget ng production.

Actually, if true na P1,000 ang bayad ng passersby sa movie, generous na ‘yung producer, huh!
“Di ba? O, kaya nga, hindi rin naman ako bumababa na P800. Hindi naman ako nagpa-passersby or crowd, ganyan. Oh, my God! Nakaka-guilty talaga! After I said that, sabi ko, ‘Hindi ko na ‘to mababawi.’

Ha-hahaha!” aniya.

“Hindi po totoo ‘yun. ‘Pag may speaking lines or may dialogue, or real acting involve, I pay them their fee. But if it’s passersby, if I have to clear what P1,000 or P800 is, passersby, crowd, non-speaking, ganyan,” paglilinaw pa niya.

Wala naman daw sinabi kay Iana si Angel na magpa-double na lang kapag intimate ang mga eksenang gagawin niya gaya ng kissing scenes with veteran actor Soliman Cruz sa indie film na “Gusto Kita With All My Hypothalamus.”

“No, wala, wala. But, protect yourself. I mean, limit, parang if ever I will show half my butt, or whatever, choose as long as it’s needed, and choose your director.

“Choose who you’re gonna do it with, oo. And I guess, the co-actors are also very important na you know you’ll be safe with him,” dagdag pa ng dalaga.

Kasama ni Iana sa “Metamorphosis” sina Gold Aceron, Ivan Padilla, Ricky Davao at Yayo Aguila.

Ang “Metamorphosis” ang masasabing second big role ni Iana sa movies na idinirek ni J.E. Tiglao para sa 2019 Cinema One Originals na magsisimula sa Nov. 7 to 17 sa Trinoma, Glorietta, Ayala Manila Bay, Gateway at Powerplant Makati.

Ipalalabas din ang walong pelikulang kasali sa festival sa Vista Cinemas, Iloilo, Evia Lifestyle and in Cinema Centenario, Cinema ‘76, Black Maria, UP Cine Adarna, and FDCP Cinematheque Manila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Opening the festival is the much-awaited film from “The Witch” director Robert Eggers, ang “The Lighthouse,” na pinagbibidahan ni Willem Dafoe and Robert Pattinson (bida sa ‘Twilight’ films) na magaganap sa Ayala Manila Bay on Nov. 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending