Jeepney sumirko: 1 patay, 7 kritikal | Bandera

Jeepney sumirko: 1 patay, 7 kritikal

John Roson |November 01,2019
facebook
share this

Jeepney sumirko: 1 patay, 7 kritikal

John Roson - November 01, 2019 - 07:03 PM

ISANG lalaki ang nasawi at ilan pa ang nasugatan, kung saan pito ang malubha ang kalagayan, nang bumaligtad ang sinakyan nilang jeepney sa Bongabong, Oriental Mindoro kaninang umaga.

Dinala sa pagamutan ang humigit-kumulang 30 sakay ng jeepney, ngunit di umabot nang buhay si Rodolfo Gunay, sabi ni Lt. Col. Socrates Faltado, tagapagsalita ng Mimaropa regional police.

Pito sa kanila, na nakilala bilang sina “Bente” Carreon, Merlinda Carreon, Berto Mendoza, Liza Feleciano, Rain Aregaldo, Floren Manalo, at Victoriana Gunay, ay nasa kritikal na kondisyon.

Pawang mga bahagyang pinsala lang umano ang tinamo ng ibang sakay.

Naganap ang insidente sa Brgy. Hagan alas-9:30.

Bumibiyahe noon ang pribadong jeepney mula Brgy. Rosacara, Bansud, patungong Brgy. Lisap, Bongabong.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nagloko ang makina ng jeep at nawalan pa ng preno.

Ililipat ang mga malubhang nasugatan sa isa pang pagamutan sa Calapan City para sa karagdagang lunas, habang patuloy na iniimbestigahan ng lokal na pulisya ang insidente, ani Faltado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending