Hashtag Kid bilib kay Ion: Hindi ko nakikitang lolokohin niya si Vice | Bandera

Hashtag Kid bilib kay Ion: Hindi ko nakikitang lolokohin niya si Vice

Ervin Santiago - November 01, 2019 - 12:20 AM

LASSY MARQUEZ, YEN SANTOS AT KID YAMBAO

MARAMING bumilib sa tapang at paninindigan ni Ion Perez kasabay ng pag-amin nila ni Vice Ganda sa tunay nilang relasyon.

Kung may mga nagsasabi na pera lang ang habol ni Ion sa pakikipagerlasyon nito sa Unkabogable Star, mas marami pa rin ang masaya para sa dalawa at naniniwalang tunay silang nagmamahalan.

Tulad na lang ng kaibigan ni Ion na si Hashtag Kid Yambao na isa rin sa mga anak-anakan ni Vice sa It’s Showtime. Kuwento ni Kid sa ginanap na presscon ng unang pelikula niyang “Two Love You” kasama sina Yen Santos at Lassy Marquez, matagal na siyang close kay Ion.

“Matagal ko na rin kasing tinatanong kay Meme Vice noon na, siyempre, anak-anakan ako, ‘Ma, sino ba talaga ang tatay ko?!’ Ganoon. Wala siyang maisagot, e. Ayaw niyang sabihin. ‘Sa tamang panahon. Sa tamang panahon.’ Iyon pala, andiyan na ang tatay namin,” pahayag ni Kid.

Aniya pa, “Bago pa lang si Ion sa Miss Q&A noon, palagi siyang mag-isa. Mag-isa siya sa dressing room.

Ako kasi, doon ako tumatambay, e. Sa mga dressing room ng mga stylist, ng mga bading! So, palagi ko siyang nakikita, ‘Oy!’

“Ako sa Hashtags ang unang kumausap kay Ion. Hanggang sa isinasama ko siya sa laro, sa basketball,” dagdag pa ng gwapong member ng Hashtags.

“Sobrang saya ko sa kanila kasi, iyon nga, umamin na sila sa wakas. I was so happy kasi, bihira iyong ganoon, sa generation ngayon. Sila lang (umamin sa gay relationship),” chika pa ni Kid na nagsabi ring hindi pera-pera ang relasyon ng dalawa.

“Hindi ko rin nakita iyong lolokohin niya ang nanay ko (Vice). At saka talagang walang iba na gumawa ng ganu’n, ha? ‘Yung ginawa ni Ion, wala akong nakitang totoong lalaki na gumawa ng ganu’n para sa karelasyon niya (na bading), ‘di ba?” aniya pa.

Payag ba siyang maging best man kapag ikinasal sina Ion at Vice? “Naman! Magtatampo ako sa inyo kapag hindi ako!”

Sa tanong naman kung pwede rin ba siyang makipagrelasyon sa bading tulad ni Ion, pwede naman daw dahil hindi niya masasabi ang mangyayari in the future. Pero inamin niya na may beki na ring nanligaw sa kanya noon na nag-offer pa ng house and lot sa kanya pero tumanggi siya.

Mas gusto niyang paghirapan ang perang maiipon niya at kung papatol man daw siya sa bading ito’y dahil sa love at hindi dahil sa pera.

***

Samantala, super thankful si Kid sa kanyang manager na si Ogie Diaz dahil pinagkatiwalaan siya agad na makagawa ng pelikula, ito ngang “Two Love You” mula sa Lonewolf Films, OgieD Productions to be released by Viva Films.

Inamin ni Kid napakasaya ng feeling ngayong nabigyan na siya ng pagkakataon na makalabas sa pelikula kaya naman ginawa niya ang lahat para mabigyan ng justice ang kanyang role bilang isang binata na nakipagrelasyon sa isang bading na ginagampanan ni Lassy.

Pero ang twist, mai-in love rin siya sa BFF ni Lassy to be played by Yen Santos. Kaya ang tanong na dapat sagutin ni Kid, “Kaya mo bang magmahal ng dalawa na hindi nalalaman nu’ng isa?”

May kissing scene ba sila ni Lassy sa movie? “Abangan n’yo, panoorin n’yo na lang kung meron.” Pero sila raw ni Yen may halikan sa movie na talagang na-enjoy niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin nila sa “Two Love You” sina Arlene Muhlach, MC Muah at Dyosa Pockoh. Ito’y sa direksyon ni Benedict Mique at mapapanood na sa mga sinehan simula sa Nov. 13.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending