Angelica sinita ng mga pulis sa Rome: Sorry po! | Bandera

Angelica sinita ng mga pulis sa Rome: Sorry po!

- October 31, 2019 - 12:30 AM


SINITA ng mga pulis ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa isang tourist spot sa Rome.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Angelica ang kanyang litrato na kuha sa Spanish Steps Palazzo Di Bolgna, isang kilalang lugar sa Rome. Dito niya ikinuwento kung paano siya pinagsabihan ng Italian police na bawal umupo roon.

Nagbabakasyon ngayon sa Italy si Angelica kasama ang ilang kaibigan. Grabe raw pala ang pakiramdam na masita sa unang pagkakataon at sa ibang bansa pa. Ibang-iba raw ang feeling kahit sanay na siyang ma-bash at mahusgahan sa pagiging artista.

“For almost 28 years, i have been infront of the audience. Naramdaman ko pano mahusgahan. Paano panoorin ang bawat galaw mo. Paano, mag salita, lumaban, para sa sarili mo. Sa pag upo ko sa spanish steps… nahusgahan ako… bawal pala umupo dito.

“Sorry na po mga pulis — at least, naka isa,” ang caption ng dalaga sa kanyang IG photo.

Aniya, mabuti na lang daw at nakunan na siya ng litrato sa lugar bago pa siya mapagalitan ng mga pulis sa Rome.

Maraming netizens naman ang nagsabi kay Angelica na talagang ipinagbabawal na sa mga local and foreign tourists ang pag-upo sa Spanish Steps. Sa katunayan, may multa pa nga sa mga lalabag dito.

Sa isang report, kinumpirma na bawal nang umupo sa 135 steps ng Spanish Steps Palazzo Di Bolgna at maaaring pagmumultahin ng 250 Euro (P14,000) hanggang 400 Euro (P22,000) ang sinumang magkagkalat o makakasira ng hagdan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending