Yul Servo bibida sa ‘Food Lore’ ng HBO Originals
Kasama si Cong. Yul Servo ng 3rd District of Manila sa “Food Lore: Island of Dreams,” na mapapanood sa HBO Originals.
Kasama niya sa proyektong ito sina Ina Feleo at Angeli Bayani mula sa direskyon ni Erik Matti.
“Maganda ‘yung pelikula. Dati nakakagawa ako ng pelikula na inilalaban sa ibang bansa. Dito, first time na ‘yung walong bansa nagsama-sama ‘yung kultura pati ba ang tungkol sa pagkain.
“Masuwerte ako na napasama ako sa pelikula na ‘yon. Hindi lang siya basta kuwento ng pagkain.
“Parang experience ko rin sa kinalakihan ko. Kuwanri ‘yung tatay niya, sidecar boy, driver, ‘yung anak niya naging jeepney driver din. ‘Yung cycle ng buhay, hindi nagbabago,” pahayag ni Cong. Yul nang makachikahan ang showbiz press kamakalawa ng gabi.
Siyempre, miss na miss na rin niya ang pag-arte ngayong mas pinili nga niya ang mag-concentrate sa public service.
“Nakaka-miss din gumawa ng pelikula.Talagang pili lang. Masuwerte ako’t kinuha ako ni Tita June (Rufino) at nagkasunud-sunod ang magagandang projects sa akin,” saad pa ng kongresista.
Of course priority pa rin niya ang pagiging kongesista ng distrito dahil tuluy-tuloy pa rin ang bongga niyang projects gay ng isang presinto na pinaayos niya para magkaroon ng matutulugan ang mga pulis at isang floor para sa mga kursong mula sa TESDA.
Kasama ni Cong. Yul sa chikahan ang sister niyang si Apple Nieto na nanalo bilang konsehal sa distrito nito sa unang subok niya sa eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.