Willie bumilib sa contestant ng Wowowin, binigyan agad ng trabaho
TINUPAD ng TV host-comedian na si Willie Revillame ang matagal ng pangarap sa buhay ng isang contestant sa Wowowin.
Sa nakaraang episode ng Kapuso variety show, napahanga si Willie sa talento ng isang rapper na sumali sa “Willie of Fortune” segment. Nagpakitang-gilas kasi ang contestant na si Jek sa kanyang talent sa pagra-rap. Bukod dito, magaling din pala siyang DJ.
“Pwede ‘to ah. Kaya mo ba ‘yun? Kaya mo ba sa simula ipapakilala mo ako? Lagyan mo ng beat. Paano mo ako ipapakilala?” ang challenge ni Willie kay Jek matapos mapahanga ang TV host at ang studio audience.
Agad namang umariba si Jek at ibinandera on national TV ang kangang talento sa pagdi-DJ kaya lalong bumilib si Willie.
At dahil nga sa ipinakitang talent ng contestant, inalok agad siya ng trabaho ng Wowowin host.
“Pumasok ka na dito. Okay. Subukan mo muna. Kasama mo si DJ Mervin, ikaw ang mag-o-opening. Hype mo ‘yung tao, ah. Gumawa ka ng music.
“Pumasok ka nang maaga, mag-rehearse ka. Gusto ko ‘yan, impromptu ‘yung ginawa mo ah. Ganu’n ang buhay. Magpakabait ka,” pahayag pa ni Willie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.