Nadine tanggap na ang 'paghihiwalay' nila ni James | Bandera

Nadine tanggap na ang ‘paghihiwalay’ nila ni James

Julie Bonifacio - October 28, 2019 - 12:10 AM

TANGGAP ni Nadine Lustre na ‘di sa lahat ng proyekto ay lagi silang magkasama ng real and reel partner niyang si James Reid. Knows niya na darating ang panahon na magkakanya-kanya rin sila.

Tulad na lang sa pagiging judge niya sa bagong reality-talent search ng ABS-CBN na Your Moment habang si James naman ay may iba na ring kapareha sa bago nitong pelikula.

“Like what I said naman po before, hindi naman pwedeng palagi kaming magkadikit. Kailangan meron din kaming time mag-grow separately. Kasi, healthy naman po ‘yun,” esplika ni Nadine.

Hindi naman daw pwedeng palagi silang magkadikit ni James sa lahat ng projects, “Para at least, ‘pag nagkaroon kami ng project ulit in the future, lahat ng mga tao mae-excite naman. ‘Yun po.”

Hopeful pa rin si Nadine na ‘di siya iiwan sa ere ni James. Maging ang singer-actor ay nagsabi na ayaw niyang tawagin na loveteam ang pakikipag-partner niya sa isang Korean star sa bago niyang movie.

Bukod kay Nadine, kabilang din sa panel of judges ng Your Moment ang international R&B sensation na si Billy Crawford at ang King of Talk na si Boy Abunda. Habang sina Luis Manzano at Vhong Navarro naman ang magiging host nito.

Tatlong beses magbibigay ng score ang judges gamit ang “emotion meter knob” during the competition.

At lalabas din sa screen ang “emotion meter” na ipakikita ang score ng judges sa tuwing papatak sa tatlong “time markers” (20 seconds, 60 seconds at 90 seconds) ang performance.

Ibinuking naman ni Nadine na sa kanya pala humingi ng tips sa pagiging judge si James Reid.

“Hindi kasi, ‘di ba, nag-judge rin ako saglit sa ‘Miss Q&A’ (gay pageant sa It’s Showtime). So, napapanood niya, sa Showtime. So, tinatanong niya ako, ‘Paano mo nasasabi yung comments mo? Paano mo napapansin ‘yung performance? Paano mo naiisip ‘yung gusto mong sabihin? Ayun po, sa akin po siya humihingi ng tips,” lahad ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

That was before pa raw mag-start ang Idol Philippines kung saan isa naman sa naging juror si James.

Pero si Nadine, kina Kuya Boy at Billy daw nanghingi ng tips sa pagiging judge.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending