Claudine binatikos sa ‘Rico Yan’ video: Please stop it na!
Negang-nega na rin ngayon si Claudine Barretto matapos mag-viral ang kanyang “crying video” nito na kuha sa harap ng puntod ng ex-boyfriend na Rico Yan sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.
Nakasama sa trending topics sa Twitter Philippines ang pangalan ng yumaong aktor dahil sa video ni Claudine kung saan makikita ang aktres na umiiyak habang kinakausap ang dating boyfriend.
“Rico pls help me.take care of Daddy (four praying hands emojis),” caption ni Claudine sa nasabing video.
“I’m so scared, Rico. I’m scared to lose my dad…It’s not going to be the same anymore,” maririnig na sabi ni Claudine sa video na nai-record umano noong buhay pa ang kanyang ama.
May mga nakisimpatya kay Claudine pero marami rin ang nagsabing hindi na dapat ipinost ang video dahil matagal nang nananahimik si Rico at huwag nang idamay pa sa Barretto scandal.
Sabi pa ng isang netizen, “Nakikiramay kami sa ‘yo, pero pati ba naman ang nananahimik na si Rico gamitin pa sa publicity? Please tantanan mo na ang paggamit kay Rico tuwing may issue ka.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.