Boobs ni Miss Q&A 2nd Runner Up Lars Pacheco nag-hello sa Showtime; Vice nag-public apology | Bandera

Boobs ni Miss Q&A 2nd Runner Up Lars Pacheco nag-hello sa Showtime; Vice nag-public apology

Ervin Santiago |October 25,2019
facebook
share this

Boobs ni Miss Q&A 2nd Runner Up Lars Pacheco nag-hello sa Showtime; Vice nag-public apology

Ervin Santiago - October 25, 2019 - 06:11 PM

KIM ATIENZA AT LARS PACHECO

NAG-HELLO ang kanang dibdib ng transwoman na si Lars Pacheco habang nagpe-perform sa It’s Showtime kaninang tanghali.

Kasama ni Lars si Kim Atienza sa pagkanta ng theme song ng Showtime sa opening number ng programa kanina hanggang bigla na lang lumitaw ang kanyang right boob.

Tumagilid agad ang second runner-up sa Miss Q&A 2018 para ayusin ang kanyang outfit pero hindi na niya ito naitago sa camera kaya kitang-kita ng madlang pipol ang pag-hello ng kanyang dibdib.

Maraming netizens ang nakapag-video ng nangyari kaya mabilis itong kumalat sa social media at naging trending topic pa nga sa Twitter.

Dahil dito, maraming nakiusap na huwag nang i-share ang nip slip video bilang respeto na rin kay Lars dahil hindi naman nito ginusto ang nangyari.

Pagkatapos ng commercial, pumagitna on stage si Vice Ganda para mag-issue ng public apology dahil sa wardrobe malfunction na nangyari kay Lars.

“Gusto lang po naming bigyang linaw ang naganap kaninang pangyayari kay Lars Pacheco. Nagkaroon po kanina ng wardrobe malfunction si Lars Pacheco.

“Wala pong may kagustuhan nun, kahit po si Lars ay hindi kagustuhan ang pangyayari, at sinuman sa mga host o bahagi ng programang ito ay hindi ginusto ang mga pangyayari.

“At kahit po si Lars ay sobrang na-embarrassed sa pangyayaring yun kaya kung meron mang na-offend doon ay humihingi po kami ng paumanhin sa lahat ng nakakita at nakapanood.

“Gayunpaman, uulitin ko, wala pong may kagustuhan sa naganap na wardrobe malfunction,” pahayag ng TV host-comedian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending