'Unforgettable' ni Sarah G kumita ng P5.1M sa opening day | Bandera

‘Unforgettable’ ni Sarah G kumita ng P5.1M sa opening day

Ervin Santiago - October 24, 2019 - 08:58 PM

NAKA-P5.1 million ang pelikulang “Unforgettable” sa opening day nito kahapon.

Sa Twitter account ng Viva Films, naka-post ang mensahe na umabot nga sa mahigit P5 million ang first-day gross ng “Unforgettable” ni Sarah Geronimo nang mag-open ito sa 216 sinehan nationwide kahapon.

Siyempre, tuwang-tuwa ang Pop Star Royalty dahil sa napakainit na pagtanggap ng madlang pipol sa kanyang movie kung saan aso nga ang kanyang partner.

Nagpipiyesta rin ang mga Popsters dahil sa tagumpay ng pelikula ng kanilang idol na idinirek nina Jun Lana at Perci Intalan. 

Balitang tuluy-tuloy pa rin ang pagpapa-block screening ng mga fans para mas mabilis ang pag-abot sa P100 million mark.

Malaki ang naitulong ng Rated G rating na ibinigay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa dahil buong pamilya ang talagang sumusugod sa mga sinehan.

Bukod sa paghataw sa takilya ng “Unforgettable”, puro papuri rin ang natatanggap ni Sarah mula sa mga nakapanood na ng pelikula. 

Halos lahat ay nagsasabi na siguradong hahakot ng best actress award ang Pop Royalty sa ipinakita niyang akting sa pelikula. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending