Pasay precinct commander sinibak; 2 sa tao niya arestado sa extortion
SINIBAK ang isang precinct commander sa Pasay City matapos mahuli ang dalawa sa tao niya na tumatanggap ng protection money mula sa isang bus operator, ayon kay Brig. Gen. Debold Sinas, acting director ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Kinilala ni Sinas ang sinibak na opisyal na si Capt. Mark Oyad, commander ng Pasay City Police Community Precinct 7.
Samantala, kabilang sa mga inarestong pulis ay sina Cpl. Reynald Pallangeo Macwes at Cpl. Jimuel Ilagan Bernal, na nakauniporme pa sakay ng isang patrol car sa isinagawang entrapment.
Sa isang briefing sa Kamuning Police Station sa Quezon City, sinabi ni Sinas na isinagawa ang entrapment nang makatanggap ng ulat na nangongolekta sina Macwes at Bernal ng P500 hanggang P1,000 kada biyahe mula sa mga bus at operator ng van, depende sa laki ng kanilang sasakyan para makabiyahe sa mga terminal sa palibot ng Malibay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.