Sakit na nararamdaman ni Duterte dahil sa muscle spasms | Bandera

Sakit na nararamdaman ni Duterte dahil sa muscle spasms

Bella Cariaso - October 23, 2019 - 07:07 PM

SINABI ni Senator Christopher “Bong” Go na walang dapat ikabahala sa kalusugan ni Pangulong Duterte sa pagsasabing muscle spasms lamang ang nararamdamang sakit na naging dahilan kaya napaaga ang pag-uwi mula sa Japan.

“He was advised to rest. rest, rest kailangan talaga. masakit talaga yung… dahil sa pagkabagsak nya sumakit yung likod. Nakita niyo kahapon, bumili po ako ng cane…made in Japan po yung cane na gamit niya kahapon,” sabi ni Go sa isang panayam.

Hindi na tinapos ni Duterte ang kanyang opisyal sanang iskedyul sa Japan dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman sa spinal column matapos namang sumemplang sa sinasakyang motorsiklo kamakailan.

“Ako na po ang mag-aassure sa inyo, nothing to worry, purely muscle spasms po yun at kailangan lang po ng pahinga ng ating Pangulo,” ayon pa kay Go.

Idinagdag ni Go na binigyan lamang ang Pangulo ng pain reliever para maibsan ang sakit na narararamdaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending