Sarah pinalakpakan, pinaiyak ang madlang pipol sa ‘Unforgettable’
PINATUNAYAN ni Pop Star Royalty Sarah Geronimo na hindi lang slya singer, dancer at role model ng mga kabataan – kundi isa ring certified drama queen.
Patunay riyan ang ipinakita niyang superb acting sa latest movie niyang “Unforgettable” at ang mga papuring tinanggap niya sa ginanap na red-carpet premiere ng pelikula last Monday sa SM Megamall cinema 1.
Grabe! Ilang beses kaming napaiyak sa mga eksena ni Sarah pelikula bilang si Jasmine, lalo na sa mga moments nila ng kanyang partner sa kuwento – ang wonder dog na si Milo na mas kilala na ngayon ng madlang pipol bilang si Happy.
Nagmarka sa manonood ang break down scene ni Sarah bilang isang special child (na pwede mo ring tawaging gifted dahil sa mga kakaibang katangiang taglay niya) nang mawala si Happy. Pinalakpakan siya at talagang nakiiyak sa kanya ang manonood.
Bigla ring tumulo ang luha namin sa eksena nina Sarah at Ara Mina sa bandang ending ng movie kung saan nag-sorry si Jasmine sa kanyang ate para sa lahat ng nagawa niyang kasalanan.
Promise, hindi namin nakita si Sarah G sa “Unforgettable”, ang karakter niyang si Jasmine ang napanood namin mula simula hanggang ending. At ang feeling namin pagkatapos ng pelikula, parang gusto na namin siyang ampunin para alagaan at makasama sa bahay.
Kung isa naman kayong dog lover, siguradong mamahalin n’yo rin sina Sarah at Milo sa pelikulang ito, at sure na sure kaming mas lalo pang mapapalapit sa inyo ang mga alaga n’yong aso.
In fairness, hindi lang si Sarah ang pang-best actress sa “Unforgettable”, kung may award siguro para sa mga hayop, tiyak na mananalo na si Happy na akting na akting sa bawat eksena niya, lalo na nang sagipin niya si Sarah sa isang buwis-buhay scene sa mabatong ilog.
Tawa naman kami nang tawa sa mga eksena ni Sarah at ni Kim Molina sa movie. Kahit maikli lang ang ganap ni Kim ay tumatak talaga sa manonood ang karakter niya. Winner din ang tandem nila ng Pop Royalty kaya hagalpakan ang mga Popsters sa sinehan.
Wagi rin ang special appearance ni Anne Curtis sa movie bilang nurse na nagpasampol pa sa pagbirit. Ang iba pang nag-guest sa pelikula ay sina Regine Velasquez, Cherie Gil, Dennis Padilla, Marco Gumabao at ang isang surprise guest actor na ikina-shock ng mga nasa sinehan.
Nagpalakpakan din ang Popsters nang biglang bumuluga sa isang eksena ang tatay ni Sarah na si Daddy Delfin Geronimo. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na umakting siya sa pelikula ng anak.
Siyempre, tuwang-tuwa sina Direk Jun at Direk Perci sa lahat ng pumuri sa “Unforgettable” na simpleng-simple ang kuwento pero tagos sa puso ang mga aral na hatid sa manonood.
Siyanga pala, present din sa ginanap na premiere night ang asong si Milo pero dahil bawal ang pet sa loob ng sinehan, hindi siya pinapasok kaya hindi niya napanood ang kanyang sarili sa big screen. Pero in fairness, game na game rin siyang rumampa sa red carpet at talang pose kung pose sa harap ng mga camera.
q q q
Ikinumpara naman ni Direk Perci Intalan ang na-experience niya sa premiere night ng “Unforgettable” sa “Notting Hill” movie ni Julia Roberts. Ito’y dahil sa mga qualities ni Sarah bilang tao.
“I had a ‘Notting Hill’ moment tonight. Since January, I was with this girl at meetings, at script readings, at the look test and at 25 or so days of filming. She was so down-to-earth and so simple and unassuming. She didn’t make anyone feel that she was bigger than any of us.
“She was there to work, like all of us. And we simply had a good time doing so. Then tonight we went to the holding area and saw her all glammed up.
“The guards lined up and escorted us out the hallway and we emerged here, with all the screams from all the fans. And she was switched on. She worked the crowd and cameras like the pro she is.
“And I looked at the girl I knew and here she is now, enchanting, dazzling, a star. Now I know for sure why people adore Sarah Geronimo,” ani Direk Perci.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.