Duterte itinalaga si Peralta bilang bagong Chief Justice
ITINALAGA ni Pangulong Duterte si Associate Justice Diosdado Peralta bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema.
Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pagkakahirang ni Duterte kay Peralta bilang pinuno ng Kataastaasang Hukuman.
Pinirmahan ni Duterte ang appointment papers ni Peralta ngayong araw, Oktubre 23.
Pinalitan ni Peralta si dating chief justice Lucas Bersamin na nagretiro naman noong Oktubre 18.
Itinalaga si Peralta bilang Associate Justice noong Enero 14, 2009 ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Si Peralta ang ikatlong presiding justice ng Sandiganbayan na itinalaga bilang Associate Justice ng Korte Suprema.
Nakatakda naman siyang magretiro sa Marso 27, 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.