52 volcanic earthquake naramdaman sa Taal
NAKAPAGTALA ng 52 volcanic earthquake ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa paligid ng Taal volcano mula 8 ng umaga noong Martes hanggang 8 ng umaga ng Miyerkules.
Isa sa mga volcanic earthquake na ito ay may lakas na Intensity I at naramdaman alas-7:50 ng umaga sa Pirapiraso.
Ayon sa Phivolcs nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Taal volcano na nangangahulugan na maliit ang tyansa na ito ay sumabog.
“The public, however, is reminded that the Main Crater should be strictly off-limits because sudden steam explosions may occur and high concentrations of toxic gases may accumulate,” saad ng Phivolcs.
Nagbabala rin ang Phivolcs sa pagpunta sa main crater na sakop ng Daang Kastila Trail dahil maaaring magkaroon dito ng steam emission.
“The public is also reminded that the entire Volcano Island is a Permanent Danger Zone, and permanent settlement in the island is strongly not recommended.”
Sa pag-aaral noong Oktobre 17, sinabi ng Phivolcs na naitala ang pagbaba ng temperatura ng tubig mula 33 degrees Celsius ay naging 32.9 °C. Tumaas naman ang level ng tubig mula 0.49 metro ay naging 0.50 metro. Bumaba rin ang acidity ng tubig mula 2.94 pH ay naging 2.83.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.