Atong Ang sa relasyon kina Gretchen, Claudine at Nicole: Bakit ko naman aaminin... May nakakita ba? | Bandera

Atong Ang sa relasyon kina Gretchen, Claudine at Nicole: Bakit ko naman aaminin… May nakakita ba?

Jun Nardo |October 21,2019
facebook
share this

Atong Ang sa relasyon kina Gretchen, Claudine at Nicole: Bakit ko naman aaminin… May nakakita ba?

Jun Nardo - October 21, 2019 - 05:14 PM

NAGSALITA na ang negosyanteng si Atong Ang sa programa nina Arnold Clavio at Ali Sotto sa GMA News TV tungkol sa pagkakasangkot sa Barretto sisters fued.

Si Atong Ang ang lalaking nasa gitna ng issue sa pagitan nina Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto pati na ang pamangkin nilang si Nicole, anak ng kapatid nilang lalaki na si Jayjay Barretto.

Unang tanong sa businessman, ano ang reaksyon ng kanyang pamilya matapos iturong dahilan ng pag-aaway ng magkakapatid na Barretto at ng kanilang pamangkin, “Ganito ang buong istorya para matapos na ‘yan.Lagi akong nasasabit sa ganyang gulo, eh.

“Ako, sa pamilya ko, sa asawa ko, masaya kaming lahat. Hindi ko ipagpapalit na sirain ang pamilya ko, lalo na sa asawa ko, para sa mga gulu-gulo lang. Ang istorya naman diyan, siguro ages ago siguro nine years ago, si Marichu, nanay ni Nicole, tumutulong sa negosyo ko ‘yan.

“Ngayon, tumutulong siya, of course, nung tumutulong siya, nag-aaral pa si Ncole noon, sa mga galaw-galaw ko, siyempre inaabutan ko siya.

“‘Yung ginagawa niya, napag-aaral niya mga anak niya. Tapos, nu’ng gumradweyt si Nicole, tumulong naman sa akin si Nicole. Sa mga booking ko lalo na may mga flight ako. Nakakasama ko na si Nicole nu’ng naka-graduate na.

“Tapos, ‘yung parte naman kay Claudine, dinala sa akin dahil may (issue) sila ni Martin Castro noon. ‘Yung wife niya nagkakagulo, magdedemandahan. Nagkataon kasi si Martin, anak ng kumpare ko si Romy Castro, ‘yung mayor,” tuluy-tuloy na paliwanag ni Atong.

Sino si Martin Castro? “Hindi ko alam. Nag-aaway sila eh noon. Tapos, nabalitaan nila, kaibigan ko si Martin. Parang anak ko din yan. So dinala sa akin sa casino. So dinala sa akin si Claudine. Ilang araw ko ring inayos ‘yon.

Ibig sabihin, ‘yung Claudine, nakikita kami ng mga tao. Nag-interpret lang sila o nag-conclude na may relasyon kami. Pagkatapos nu’n, hindi na kami nagkasama nina Claudine. Wala na yon.

“Ngayon, punta naman tayo kay Nicole nga. Si Nicole, sabi ko nga, nakakasama ko siya dati dahil tumutulong sa booking ko, sa trabaho ko, sa pamilya ko, sa mga anak ko. Nagpupunta sila sa bahay ko. Naging close kami sa family rin. Mga four years kaming magkakasama noon. Tapos, tumigil ako sa negosyo at pumasok ako sa junket ng casino, saka sa sabong,” sabi pa ng negosyante.

Nakasosyo naman niya sa negosyo sina Tony Boy Cojuangco at Gretchen sa malalaking hotels, “Kung ano ang iniisip nila, sarilinin na lang nila ‘yon.”

So, ano ang relasyon niya sa tatlong Barretto? “May relasyon kaming tatlo, nakarelasyon ko at magkakasama kami as family.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala siyang naging girlfriend sa mga ito? “Ang masasabi ko lang, kung inamin mo, nakapatong ka na diyan. Bakit ko naman aaminin na ganoon. Wala namang ganoon. May nakakita ba?” diin ni Atong.

Basta ang payo niya sa magkakapatid, alagaan ang ina nila dahil wala na ang tatay nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending