Claudine isinugod sa ospital; natensyon nang makipag-away kay Marjorie | Bandera

Claudine isinugod sa ospital; natensyon nang makipag-away kay Marjorie

Ervin Santiago |October 18,2019
facebook
share this

Claudine isinugod sa ospital; natensyon nang makipag-away kay Marjorie

Ervin Santiago - October 18, 2019 - 01:07 PM

GRETCHEN, CLAUDINE AT MARJORIE BARRETTO

TULOY-TULOY ang mala-teleseryeng kuwento ng Barretto sisters na nagkita-kita sa burol ng kanilang amang si Miguel Barretto.

Pagkatapos nga ng engkuwentro nina Greta at Marjorie na tinangka pang pagbatiin ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumalaw sa unang gabi ng lamay, sina Claudine at Marjorie naman ang umano’y nagkasakitan.

Balitang sinugod si Claudine sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City kagabi matapos silang mag-away ng nakatatandang kapatid.

Nagkasakitan umano ang magkapatid nang magpang-abot sa burol ng kanilang ama. Kasama rin daw sa nangyaring gulo ang anak ni Marjorie na si Julia Barretto.

May litratong lumabas sa social media kung saan makikita si Claudine na nakaupo sa kanyang hospital bed. Ayon sa report, isinugod ang aktres ng isang staff ni Gretchen matapos itong mahilo at magtamo ng mga galos sa kamay.

Sa panayam kay Ruby, sinabi nitong nagkaroon ng tensyon sa pagitan nina Marjorie at Claudine nang magkasagutan sa mismong burol ng ama. Hindi naman nabanggit kung paano nagkapisikalan ang dalawa.

Sa kanyang Instagram account, nag-post agad si Claudine ng quote card na may nakasulat na, “Are you proud of who you have become?” at nilagyan ng caption na, “I hope not.”

Balitang nagkausap na raw sina Claudine at Gretchen matapos ang nanyaring komprontasyon. Payo daw ni Greta sa nakababatang kapatid na umalis na lang muna sa burol para hindi na lumala pa ang gulo.

Kung matatandaan, magkakampi pa noon sinaMarjorie at Claudine laban kay Gretchen pero kamakailan ay nagkabati na nga sina Greta at Clau. Mukhang hindi ito nagustuhan ni Marjorie kaya mas lalo umanong uminit ang dugo nito sa kanyang mga kapatid.

May lumabas pang chika na lalo pang sumama ang loob ni Marjorie nang magpadala raw sina Gretchen at Claudine ng bulaklak kay Bea Alonzo noong kasagsagan ng isyu tungkol sa umano’y pagiging third party ni Julia sa hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA online sa paliwanag ni Marjorie at ng iba pang sangkot sa isyung ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng kanyang official statement si Marjorie tungkol sa paghaharap nila ni Gretchen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending