Sarah tinupad ang pangarap ni Zephanie | Bandera

Sarah tinupad ang pangarap ni Zephanie

Reggee Bonoan |October 18,2019
facebook
share this

Sarah tinupad ang pangarap ni Zephanie

Reggee Bonoan - October 18, 2019 - 01:00 AM

SARAH GERONIMO AT ZEPHANIE DIMARANAN

Inamin ng unang grand winner ni Philippine Idol na si Zephanie Dimaranan na ang pagkanta ang prayoridad niya ngayon pero kung mabibigyan siya ng pagkakataon na pasukin ang pag-arte ay hindi naman niya tatangihan.

At dito niya inaming lagi siyang nanonood ng Kadenang Ginto at kung papipiliin kung saan niya gustong mag-guest ay sa KG niya type bilang kaibigan ni Cassie (Francine Diaz) at ayaw din niyang maging ka-love triangle ng sinuman sa Gold Squad.

Anyway, sobrang saya ng feeling ngayon ni Zephanie dahil makakasama niya si Sarah Geronimo sa kanyang first major concert na may titulong “Zephanie” sa New Frontier Theater sa Nob. 28. Dream come true raw ito para sa kanya.

“Yun po ang pinapangarap kong mangyari at ngayon ay mangyayari na kaya ang saya-saya ko. Eversince po na bata pa lang ako, mga songs po niya ang pinapakinggan ko. Talagang gustung-gusto ko po ‘yung music niya kaya ‘yun ang mga kinakanta ko sa mga contest.

“Kaya ‘yung time na nakapasok ako sa The Voice, sobrang natuwa na umikot siya for me and sobrang love na love ko si ate Sarah at sobrang bait niya rin po sa amin.

“Isang beses po nagkita kami sa ASAP, sa dressing room niya po. Pinuntahan ko po siya. Tapos nag-congratulate po siya sa akin. Sabi niya proud siya sa akin,” kuwento ng dalagita.

At hindi lang si Sarah ang isa sa dahilan kung bakit feeling nasa cloud 9 ngayon si Zephanie, guest din pala siya sa “Iconic concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez ngayong gabi sa Araneta Coliseum.

Mayroon pa pala, front act din siya sa concert ni Brian McFadden ng Westlife sa Nob. 16. At hindi lang ‘yan, suportado rin si Zephanie ng kapwa niya Cornerstone artists na sina Erik Santos at Moira, at siyempre guest din niya ang nag-iisang Songbird na si Regine. Hindi rin nakalimutan ng producers ng show na isama ang Idol Philippines top 4 na sina Lucas Garcia, Dan Ombao, Miguel Odron at Lance Busa.

Ang Cornerstone concerts at Star Events ang producer ng show ni Zephanie at mabibili ang tickets sa New Frontier Theater at Ticketnet Online.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending