‘NUUK’ ng Viva kakaibang psycho-thriller | Bandera

‘NUUK’ ng Viva kakaibang psycho-thriller

Ervin Santiago - October 18, 2019 - 06:50 PM

ALICE DIXSON AT AGA MUHLACH

Proud na proud si Aga Muhlach na nagawa niya ang “NUUK” na isang psychological-suspense-drama na kinunan pa sa Nuuk, Greenland, “Who would have thought na I’ll be working with Alice Dixson again?

Actually, this is like my first time to work with her, parang gano’n ‘yung feeling. Although magkaka-batch kami.

“And we have common friends, marami kaming istorya. And then ngayon na lang ulit kami nagkasama so kung ano man ‘yung mga noon, at least naayos namin, napagkwentuhan namin, napag-usapan namin ‘yun,” kuwento pa ni Aga.

Marami na ang naghuhula, base trailer ng kanilang pelikula, kung ano talaga ang karakter ni Aga. May nagsabing killer siya, baliw at kung anu-ano pa.

“It’s nice also that people get kind of confused a bit kasi lahat sila nag-iimbento na ng storya. Buong akala nila ito mangyayari, ito mangyayari, which is nagwowork ‘yung plano namin gawin talaga,” sagot ni Aga.

Ang “NUUK” ay sa direksyon ni Veronica Velasco na siya ring nagdirek ng “Through Night and Day” nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis.

Puring-puri naman ni Veronica ang professionalism na ipinakita nina Aga at Alice sa halos isang buwan nilang pagsu-shooting sa napakalamig na Nuuk sa Greenland. Talagang game na game nilang ginawa ang lahat ng eksena kahit na nanginginig na sila sa sobrang lamig.

Gagampanan ni Alice ang karakter ni Elaisa Svendsen, isang Pinay na naninirahan sa Greenland na nangungulila sa pagkamatay ng kanyang asawa. Alak at gamot ang naging sandigan niya sa kalungkutan, hanggang sa magtagpo sila ng landas ni Mark Alvarez (Aga), isang kapwa Pilipino na siyang magbabalik ng liwanag sa madilin niyang mundo.

Pero magiging palaisipan ang lahat matapos madiskubre ni Elaisa na tanging siya lamang ang nakakakilala at nakakakausap kay Mark.

Sa lahat ng hindi pa nakakaalam, ang Nuuk ay ang kabisera ng Greenland, isang autonomous country sa hilagang bahagi ng Europa.

Ang bansang ito ang natala na may pinakamataas na suicide rate sa buong mundo, sinasabing posibleng dahil ito sa malamig na klima at pagkakahiwalay sa ibang mga bansa, ngunit nananatili paring misteryo ang tunay na dahilan nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “NUUK” sa mga sinehan nationwide simula sa Nob. 6.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending