Kabadingan ng sikat na male celeb kayang patunayan ng dating katropa: Siya ang muse! | Bandera

Kabadingan ng sikat na male celeb kayang patunayan ng dating katropa: Siya ang muse!

Cristy Fermin |October 18,2019
facebook
share this

Kabadingan ng sikat na male celeb kayang patunayan ng dating katropa: Siya ang muse!

Cristy Fermin - October 18, 2019 - 12:30 AM

ANUMANG pagtatakip-pagdedenay ng isang personalidad tungkol sa isyung ibinabato sa kanya ay mas matimbang pa rin ang sinasabi ng mga taong nakakakilala sa kanya nang malaliman.

‘Yun ang mga taong nakakasalamuha niya nu’ng hindi pa siya nag-aartista, sila ang mga nakakaalam ng katotohanan, sila ang mas pinaniniwalaan.

Tulad na lang ng isang pamosong male personality na kahit anong depensa pa ang gawin sa ibinabatong kuwestiyonableng kasarian niya ay hindi mamatay-matay.

Napakahaba ng buhay ng pagdududa sa kanyang seksuwalidad, kung walang forever sa pakikipagmahalan, baka ang pagdududa sa kanyang pagkalalaki lang ang meron.

Kuwento ng isang source, “Kasi naman, nandiyan pa ang mga taong nakakakilala talaga sa kung sino siya. Buhay na buhay pa ang mga taong ‘yun na nakakaalam ng kasarian niya talaga.

“Walang maitatago sa kanila dahil wala pa siya sa showbiz nu’n, hindi pa siya artistang sikat, pero Neneng na ang tawag sa kanya.

“Nakakaloka nga! Nu’ng pumasok siya sa isang pambagets na show nu’n, e, dumayo ng basketball ang grupo nila! Hindi pa siya kilala nu’n, baguhan pa lang siya, hindi kasali sa team ang sikat na ngayong male personality.

“E, sutil ang mga kasamahan niyang bagets, ang tawag sa kanya ng mga mokong na ‘yun, e, hindi water boy, kundi muse! True, muse ang pagpapakilala sa kanya ng mga palabiro niyang kasamahan sa show!

“Habang nakikipagbalyahan kasi ang mga players ng team nila, e, nandun lang siya sa mahabang upuan, tagapalakpak, tagasigaw, tagaabot ng towel sa mga kasamahan niya!

“‘Yun ang mga taong nagtataas ng kilay kapag napag-uusapan sa mga umpukan kung ano ba talaga ang totoong sexual preference niya. Alam na alam kasi nila ang totoo!” unang kuwento ng impormante.

Hindi rin kasi maingat ang sikat na male personality sa mga ikinikilos niya lalo na kapag nakakainom siya. Lumalabas ang tunay niyang gender.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, isa lang naman ang sinasabi ng mga kasamahan niya dati. Ilang taon na ba siya ngayon? E, bakit wala pa rin siyang asawa? Hindi pa naman huli ang lahat, puwede pa siyang humabol sa biyahe!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Jon at Ching Bautista Silverio, walk in the park lang ang kuwentong ito para sa inyo, di ba naman?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending