Wais na female celeb yumaman sa pagbebenta ng katawan | Bandera

Wais na female celeb yumaman sa pagbebenta ng katawan

Cristy Fermin - October 17, 2019 - 12:10 AM


‘YUN ang katotohanan ng buhay. Ang mga nasa ibaba ay may malaking posibilidad na umakyat at tumaas, pero kapag nasa ituktok na, walang ibang pupuntahan kundi ang ibaba.

Parang pag-aartista rin. Walang mayhawak ng bukas, hindi ‘yun ipinapangako kahit kanino, sikat sila ngayon pero bukas ay baka wala nang ningning ang kanilang bituin.

Du’n umiikot ang kuwento ng aming impormante tungkol sa isang female personality na sumikat nu’n. Kilalang-kilala siya, malakas kumita, kanyang-kanya ang mundo.

Komento ng aming source, “Pero ‘yun nga, walang katiyakan ang buhay ng mga artista, hindi nila puwedeng asahan na nasa itaas sila palagi. Maraming nag-aagawan sa puwesto, may mga mas batang dumarating, kaya ang mga dating nasa itaas, dumadausdos pababa ang career.

“Buti na lang at wise ang female personality na ‘yun, kesehodang kung anu-ano pa ang mga pinaggagagawa niya nu’ng kasagsagan ng career niya, e, meron siyang naaasahan ngayon.

“Nagpundar siya ng mga kagamitang milyunan ang halaga, ‘yun ang ibinebenta niya ngayon, marami siyang naipong mga alahas at mga bags na pangyayamanin ang halaga.

“Dahil hindi na siya masyadong in-demand ngayon, ‘yun ang unti-unti niyang ibenebenta para sa pangkahubayan showcase niya. Ang dami-dami niyang naipong branded stuff, sa totoo lang!” unang kuwento ng aming source.

Pero may mga kuwento pala sa likod ng mga pangyayamaning kagamitan na ‘yun, hindi naman pala sa mismong bulsa ng female personality galing ang mga ipinambili niya, kundi mula sa bulsa ng mga naging kulukadidang niya.

Patuloy ng aming source, “Malikot pa sa trumpo ang babaeng ‘yun nu’ng kabataan niya, marami siyang kachurvahan, maraming-marami siyang datung nu’n dahil sa mga malalaking tao sa lipunan na nakasalo niya sa panandaliang kaligayahan.

“Ang mga ‘yun ang nagbabayad sa mga ino-order niyang branded stuff na take note, milyunan ang halaga. Donasyon sa kanya ‘yun ng mga naging azucarera de papa niya!

“Tama na ang clue, wala na kaming ibubuga, todo na ‘to!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Yun na! Bradly Guevarra, Jon at Ching Bautista Silverio, kayo pa ba naman ang magpapahuli sa hulaan, go na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending