Cristine gustong ibitin nang patiwarik, sagad ang kasamaan | Bandera

Cristine gustong ibitin nang patiwarik, sagad ang kasamaan

Cristy Fermin |October 16,2019
facebook
share this

Cristine gustong ibitin nang patiwarik, sagad ang kasamaan

Cristy Fermin - October 16, 2019 - 12:40 AM

CRISTINE REYES AT SOPHIA REOLA

Sa Biyernes nang tanghali ay magtatapos na ang seryeng Nang Ngumiti Ang Langit ng ABS-CBN na pinagbibidahan ng magandang child star na si Sophia Reola na mas kilala ng manonood sa pangalang Micmic.

Napakagandang bata, napakahusay pang umarte, mula sa unang sultada ng seryeng ito ay sinubaybayan na si Micmic ng ating mga kababayan.

Pero sa bawat magandang kuwento ay may kontrabida, kung walang kontrabida ay ninipis at pupusyaw ang istorya, du’n pumapasok ang napakasalbaheng role ni Cristine Reyes.

Inipon-ipon na yata ang lahat ng kawalanghiyaan sa papel na ginagampanan ng sexy actress.

Napakasarap niyang pitikin sa ilong, ang dapat sa kanya ay ibitin nang patiwarik sa puno na punumpuno ng mga langgam, ganu’n ang gustong gawin sa kanya ng mga kababayan natin.

Pero mahusay magkontrabida si Cristine, magagalit ka lang sa kanya dahil epektibo ang pagkokontrabida niya, siya ang naging bikig sa lalamunan ni Micmic at ng magaling na aktor na si RK Bagatsing.

Sa darating na Lunes ay magbabago na ang tempo ng aming pananghalian. Kikilatisin muna namin ang ipapalit na serye sa Nang Ngumiti Ang Langit kung masasarapan ba ang aming panlasa para subaybayan din namin na tulad ng seryeng kinarir ni Direk FM Reyes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending