Miss Earth 2019 candidate nag-viral dahil sa bonggang Tagalog ‘intro’ | Bandera

Miss Earth 2019 candidate nag-viral dahil sa bonggang Tagalog ‘intro’

Bandera - October 13, 2019 - 12:10 AM

MISS GHANA ABENA APPIAH

NAG-VIRAL kamakailan ang video ng isa sa mga kandidata ng Miss Earth 2019 dahil sa kanyang nakakatuwang introduction sa ginanap na press presentation kamakailan.

Ito ‘yung pagpapakilala ni Miss Ghana Abena Appiah na talaga namang umani ng libu-libong likes at comments mula sa netizens. Sigaw niya sa video na ipinalabas sa ABS-CBN, “Ang batang malakas kumain ay laging may Ghana!”

At nang tanungin kung sino ang nagturo sa kanya nito, nabanggit niya ang pangalan ng Pinay beauty queen na si MJ Lastimosa. Magka-batch pala sila noon sa Miss Universe 2014 pageant at mula noon ay naging magkaibigan na sila.

Isa si Appiah sa 85 environment advocates na maglalaban-laban sa Miss Earth 2019 sa Oct. 26 sa Okada Manila.

Samantala, rumampa naman ang ilan pa sa mga Miss Earth candidates sa relaunch ng Bioessence sa SM Bacoor kamakailan. In fairness, talagang pinagkaguluhan din ng mga Caviteño sina Miss Poland Krystyna Sokolowska, Miss Russia Anyta Baksheeva, Miss US Virgin Islands Talisha White, Miss Nigeria Susan Garland, Miss Thailand Teeyapar Sretsirisuvama at Miss Argentina Florencia Baretof.

Nakasama ang mga kandidata sa ceremonial ribbon cutting ng Bioessence sa pangunguna ng COO nitong si Joseph Feliciano at ng marketing director na si Anj Alip. Bukod dito, ipinatikim din sa Miss Earth candidates ang iba’t ibang klase ng massage sa health and wellness clinic.

Ayon kay Joseph, ang magandang relasyon nila sa kanilang mga kliyente ang dahilan kung bakit binabalik-balikan sila ng mga ito, “It’s a very family atmosphere. Specially the one’s na matagal na sa amin, they would always say, kasi nakakausap ko sila, at siyempre naibibigay namin ang magandang serbisyo, good quality service. Pero more than that, the relationship that they have with the people. A lot of them saying, it’s like their second home.

“And we have clients na for more than, as old as the branch. I think they are with us for 10 to 15 years and it’s more of a relationship really,” aniya pa.

More than 15 years na ang Bioessence SM Bacoor na nagsimula lang sa 10 beds hanggang sa lumaki na nang lumaki. Na-experience na rin namin ang kanilang massage and facial at talaga namang satisfied kami sa kanilang serbisyo.

“Next year ire-rebuild naming ‘yung nasa Davao at bubuksan na rin ang Ayala North Exchange branch bago magtapos ang taong 2019,” chika pa ni Joseph.

Kapansin-pansin din ang touch ng Filipino culture sa mga clinic nila dahil sabi nga ni Joseph, “We really would like to promote Filipino culture. Lalo na ang Mindanaoan na roon kami nag-umpisa.”

Hirit pa niya, “We also make it a point na once or thrice a year may inilo-launch din kaming treatment. The latest is the Kahilom facial where we are using the plasma machine, microneedling treatment. And the most popular is the Oxygen treatment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Although it’s not new, na-launch namin ito two years ago pa yata, pero ito ‘yung gustong-gusto ng client kasi it’s all in one. We have the fusion there, RF, basically a lot of machine put in that treatment. Kumbaga, ito ‘yung pinakasulit,” dagdag pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending