Mega payag magbuntis si KC kahit walang asawa: Basta may apo ako!
“MATANDA na siya, alam na ng anak ko ang ginagawa niya!”
Ayaw nang mabigay ng komento ang Megastar na si Sharon Cuneta sa ginawang pamba-bash ng netizens sa sexy photo na ipinost ng kanyang anak na si KC Concepcion sa Instagram kung saan halos lumuwa na ang dibdib nito.
Sa ginanap na mediacon para sa “ICONIC” concert nila ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Oct. 18 at 19, natanong si Mega kung ano ang reaksyon niya sa bagong isyung kinasasangkutan ni KC.
Aniya, may sariling isip na ang anak at nasa tamang edad na ito para gawin ang gusto niyang gawin pero alam niyang responsable naman ang dalaga sa lahat ng desisyon nito.
“Iba na ang mga bata ngayon, e. This generation is different, e, so sa kanila…nu’ng panahon ko, hindi puwedeng mag-shorts sa beach. Strict si Father,” chika ni Sharon.
Happy naman daw siya para sa kanyang panganay kahit na wala na itong pinagkakaabalahan sa showbiz.
Busy daw ang dalaga sa mga negosyo nito, lalo na ang pagiging jeweler.
Ibinalita rin ni Mega na hinihintay na lang ng anak ang license nito para maging isa nang certified jeweler after mag-aral sa Gemmological Institute of America.
“She’s getting her real license sa ano, sa pagiging legitimate jeweler. Because she loves jewelry and she loves designing,” sabi pa ni Sharon na kitang-kita na ang pagpayat nang humarap muli sa entertainment media para sa promo ng “ICONIC”, ang kauna-unahang pagsasama nila ni Regine sa concert stage.
Nang tanungin naman kung ano wish niya sa anak ngayong single na uli ang dalaga, “Happiness. Whether alone or with someone. Basta, wish ko para sa sarili ko, huwag niya akong i-deprive ng apo.
“Kahit kailangang i-freeze niya yung eggs niya at kumuha na lang kami ng donation na at i-combine, okay na sa akin yun. Basta may apo ako,” ani Mega.
***
Walang lamunang magaganap sa “ICONIC” concert ng Megastar at ng Songbird. Yan ang siniguro ng dalawang concert queen sa gitna ng mga pamba-bash ng ilang netizens kay Sharon.
Kilala raw kasing halimaw sa biritan si Regine kaya hindi raw imposibleng lamunin ng Songbird si Mega sa kanilang first major concert together.
“Obviously, I’ve always said, Regine is the better singer, but we have two different styles. I also know my strengths.
“We’ve both have come so far for different reasons, and those reasons are all valid. So, hindi puwedeng sabihing magsasapawan,” paliwanag ni Shawie.
“Ibig n’yong sabihin na kapag nag-concert si Regs, si Lani Misalucha, ako, si Pops (Fernandez), si Ice (Seguerra), Moira, so papatayin na lahat na hindi marunong magbirit?
“Parang nagku-compare ka ng apple saka ng orange, hindi puwede, magkaibang-magkaiba. It’s very mean for them to say that, kasi parang napaka-disrespectful naman sa mga itinamin ko rito sa industriya,” pahayag pa ni Mega.
Hirit naman ni Regine, “We’re not here to compete with each other. Saka lahat po na mga concert na ginawa ko, hindi naman ako nagku-compete. I’m a team player.”
Aminado naman si Sharon na mas magaling talaga sa kanya si Regine at hindi na siya magtataka kung lamunin siya nito on stage, pero sey naman ng Songbird, “Sige magdadala na lang ako ng crispy pata sa concert para iyon ang lalamunin ko. Ha-hahaha!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.