Rumored BF ni Karla hot na hot sa socmed

By Bandera October 11,2019
share this

Rumored BF ni Karla hot na hot sa socmed

By Bandera October 11,2019
share this

Si Karla Estrada at ang kanyang rumored BF?

Happy ang mga followers ni Karla Estrada sa social media nang makita ang kaligayahan sa kanyang aura katabi ang kanyang rumored boyfriend.

Ilang araw nagbakasyon ang TV host-actress sa Coron, Palawan kamakailan kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan. At sa kanyang Instagram account, pinagpiyestahan ng netizens ang litrato niya at ng isang gwapong lalaki na nababalitang karelasyon niya ngayon.

Makikita sa mga social media photos ni Karla na lagi silang magkadikit ng guy kaya ang paniwala ng madlang pipol ito na nga ang sinasabing dyowa ngayon ng nanay ni Daniel Padilla.

Napansin din ng kanyang followers ang hashtag na “happylife” na ginamit ni Karla sa kanyang mga post.

Aniya sa caption ng litrato nila ng non-showbiz guy, “God’s amazing creation.. #enchantingcoron #bananaisland #happylife.”

Pinusuan naman ito ng kanyang mga kaibigan sa showbiz kabilang na sina Vina Morales, Sunshine Cruz, Dominic Roque at Camille Prats.

Sa isang panayam kay Karla sinabi nitong mas gusto niyang gawing pribado ang kanyang lovelife para makaiwas sa intriga. Pero sa paglabas ng kanyang mga litrato with her rumored boyfriend, siguradong mas magiging interesado ang publiko lalo na’t gwapo pa ang nasabing guy.

Wala pang kumpirmasyon si Karla kung ano talaga ang relasyon nila ng nasabing lalaki. Ang huling BF ng TV host ay si Mark Yatco pero naghiwalay din nang magtungo na ito sa Amerika.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending