Sharon napaiyak sa presscon ng Iconic: Hindi ako iniwan ng Sharonians, nandiyan sila lagi!
NAPAIYAK si Megastar Sharon Cuneta sa mediacon kahapon ng concert nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na “ICONIC”.
Hindi napigilan ni Mega ang kanyang emosyon habang nagpapasalamat sa lahat ng Sharonians na mula noon hanggang ngayon ay patuloy pa ring sumusuporta sa kanya. Napag-usapan kasi ang umano’y balak niyang pagre-retire sa showbiz para mag-concentrate naman sa kanyang personal life, lalo na sa kanyang pamilya.
Inalala ni Mega ang lahat ng mga hirap at sakripisyong pinagdaanan niya sa showbiz sa loob ng apat na dekada, lalo na noong meron pa siyang regular talkshow at musical program sa ABS-CBN.
“I remember, gagawa kayo ng video for the opening tapos magre-record ka ng limang number for 11 years, tapos 12 years yung show so all in all 23. Kasama pa ‘yung mga heartaches diyan. At sa tagal ng panahong ‘yun, karamay ko lahat ng Sharonians.
“Pero isa sa pinagmamalaki ko at hindi ko malilimot hanggang tumanda na ako, hanggang mawala ako sa mundo yung hindi nila talaga ako iniwan. Nakakaiyak kayo. Yung kahit sumuko na ako sa sarili ko noon, yung katabaan ko, I felt so sad. I felt so alone. Na parang I lost everything and I wasn’t really loved na.
“Sila, sila yung nagbago sa emotions ko. Sila yung nagpalakas ng loob ko. Saka yung prayers nila. Kayo, kayong mga naiwan sa akin (media). Iilan lang naman ang friends ko sa press, di ba? Penge ngang tissue, ayan kasi eh,” pahayag ni Sharon habang tumutulo na ang luha.
Pagpapatuloy pa niya, “Sabi pa naman ni Regs, pagkatapos ng ASAP, ‘Oh ate paalala lang, bawal kang tumawa, bawal umiyak. Kapag may nagpaiyak, upakan!’”
Naalarma kasi ang mga fans and supporters ni Sharon sa naging pahayag niya tungkol sa plano niyang retirement. Balak na niyang magpahinga sa showbiz after two years.
Bilang certified Sharonian, tinanong naman si Regine kung ano reaksyon niya nang sabihin ni Mega na balak na niyang mamahinga sa showbiz? “Hindi ko masyadong pinapansin. Dinededma ko siya kasi baka mag-rally ako doon sa harap ng bahay nila kasama ang mga Sharonian.
“Hindi siyempre, you know she’s been in the industry for a long time na and I understand, I totally understand that you know, when we come to this point in your life, you want to give your life naman to your family. Alam mo ‘yun. Kasi ganu’n din ako eh. Parang gusto mo nang mag-concentrate na lang sa family mo, na ibigay naman lahat sa family mo.
“Not that na kawalan sa sarili mo na ibigay yung sarili mo sa mga fans, sa industriya, of course not. Kaya lang dumarating ka sa point na okay na ako. Hindi ka naman pagod kasi ang pangit naman yung magre-retire ka ng pagod lang ang rason mo,” sabi pa ng Songbird.
Singit naman ni Sharon, “Hindi Regs, kasi iba na rin ang showbiz, eh. Iba na yung meaning ng royalty, iba na yung meaning ng friendship iba na yung meaning ng maraming bagay. Iba na yung pagpapatakbo. Ang layo-layo sa kinagisnan ko na parang kapag magpi-premiere night (ng pelikula) parang Pasko, feel na feel mo ‘yung presence ng fans. Ngayon parang ang dami-daming tao na hindi mo kilala o hindi ka na kilala.
“So, kasama na roon ‘yung disappointment, kasama na yung it’s not the same and I don’t want to be eaten up by showbiz. Ayokong kainin ng sistema. And I have never been eaten by the system, I’m proud to say that,” mahabang paliwanag pa ng singer-actress-TV host.
Samantala, ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsasama ang dalawang reyna ng showiz sa isang bonggang two-night concert, ang “ICONIC” na magaganap sa Araneta Coliseum on Oct. 18 and 19.
Balitang soldout na ang first night ng concert at kaunti na lang ang natitira para sa second night kaya gets na kayo ng ticket sa lahat ng Ticketnet outlets (911-5555) or visit ticketnet.com.ph.
“Iconic” is under the production of NY Entourage Productions, directed by Rowell Santiago, musical direction by Louie Ocampo and Raul Mitra. Ilan sa mga sponsors ng show ay ang Purefoods, Novotel, Frontrow, Katinko, Jollibee, Family Rubbing Alcohol, McDonalds at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.