‘Tutok mentality’ nakamamatay | Bandera

‘Tutok mentality’ nakamamatay

Ira Panganiban - October 11, 2019 - 12:15 AM

NOONG nakaraang Sabado, isang motorcycle rider ang nasawi matapos siyang “ma-sandwich” sa pagitan ng isang jeepney at UV Express.

Ayon sa ulat, biglang preno ang isang jeepney habang bumabagtas sa Shaw blvd. sa Mandaluyong.

Sa kasamaang palad, nakatutok ang isang UV Express van sa likod ng jeepney na hindi nakapreno at sumalpok sa jeepney.

Ang masakit nito, may motorsiklo din na nakatutok sa likod ng UV Express at sa likod ng motorsiklo ay isang jeepney ulit ang nakatutok din.

Five-car-smash-up ang naging resulta at ang trahedya, naipit at namatay ang rider ng motorsiklo nang sumalpok ang ikalawang jeepney sa kanya at likod ng UV Express.

Sasabihin ng madami kasalanan ito ni ganito o ni ganyan, ni jeepney sa harap dahil bigla- bigla pumreno, o si UV Express dahil nakatutok, o si motorsiklo, o si second jeepney driver.

Pero ang totoo, kasalanan ng kultura natin sa pagmamaneho ang may kasalanan ng trahedyang ito.

Ang “tutok mentality” natin kung saan la-ging nakadikit ang nguso ng kotse natin sa sinusundang sasakyan sa harap ang ugat ng tragedy na ito.

At ang mentalidad na ito ay bunga ng galit natin sa “singit maneuver” ng mga sasakyang nais lang lumipat ng lane.

Hindi ko maintindihan, bakit ayaw natin padaanin o pasingitin ang kotseng nais lumipat ng linya. Bibilisan pa natin ang maneho at tututukan ang sasakyang nasa harapan natin kapag nakita natin yung signal light.

Nakakaliit ba sa pagkalalaki o pagkatao natin ang masingitan ng isang sasakyan sa harap na sa totoo lang ay kailangan naman si-gurong lumipat ng linya dahil liliko siya sa bandang harap ng daanan?

Hindi mo naman masasabing magiging sagabal siya dahil umaagos naman kayo at isa o dalawang kotse lang naman sila.

Sa natural na batas ng lansangan o trapiko ang distansya ng isang kotse sa harap niya ay depende sa tulin niya.

Ang 2-second rule ay para sa natural na tulin ng traffic at may average distance na isang kotse sa pagitan ninyo. Ito ay kahit 20-kilometers per hour lang ang takbo, ayon sa LTO.

Tataas ang 2-second rule ng 4-seconds pag umangat na sa 40-60 kph ang tulin ng trapik. At habang tumutulin ay lalo nang lumalayo ang distansya.
Sa 100kph, ayon sa LTO manual, dapat ay may apat na kotse na ang distansya mo sa sasakyan sa harap upang ligtas kang makahinto sakali man sila ay magkaaberya.

Tandaan po ang mga katagang “Distansya Amigo” na nababasa ninyo sa likod ng mga trak sa highway. Importante ‘yan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa komento o suhestiyon, sumulat lang sa [email protected] o [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending