May trabahong naghihintay sa Russia | Bandera

May trabahong naghihintay sa Russia

Susan K - October 11, 2019 - 12:15 AM

MASAYANG nagbalita si Labor Secretary Silvestre Bello III sa Radyo Inquirer hinggil sa matagumpay na biyahe ni Pangulong Duterte sa Russia.

Ayon kay Bello, nakatakdang magbukas ang maraming patrabaho sa Russia at magtutungo doon ang kanyang technical team upang alamin kung ano-anong trabaho ang maaaring magbukas ng oportunidad para sa ating mga kababayan.

Ngunit kasabay nito, nagbigay rin ng paalala si Bello na wala pa nga-yon ang mga trabahong ito at baka gamitin na naman ang balitang ito upang makapambiktima na naman ang mga illegal recruiters at marami na naman ang maloloko.

Matatatandaang ito rin ang binanggit ni Russian Ambassador Igor Khovaev sa Bantay OCW nang maging guest namin siya sa Inquirer Radio at Inquirer Television kamakailan.

Sinabi ni Khovaev na hangad niyang mabuksan ang pinto ng dalawang bansa para makapagpalitan ng mga negosyo, teknolohiya, produkto, mga estudyante at mga manggagawang Pilipino na maaaring makapagtrabaho sa Russia.

Kasabay nito, binanggit ni Bello na mismong si Pangulong Duterte ang humingi ng konsiderasyon sa Russian government hinggil sa may 10,000 mga overstaying Filipinos doon.

Binigyan niya ng instruksyon ang mga Pinoy na maaari nang mag-apply ng bagong mga pasaporte sa embahada at konsulado ng Pilipinas sa Russia.
Maaaring umuwi na sila o di kaya naman, hinihiling nila sa Russia na pagkalooban ng amnesty o kapatawaran na lamang ang mga ilegal nang nananatili roon.

Dahil sa magandang development na ito hinggil sa biyahe ng Pangulo sa Russia, hihintayin na lamang ang magiging resulta ng bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at Russia, at maaari nang ikonsidera din ng Pinoy OFW na magtungo at magtrabaho sa nasabing bansa.

Paglilinaw ni Bello, hindi ito maaaring ipatupad sa ilalim ng government to government hiring at hindi na ito kakayanin pa ng POEA o ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/ [email protected]

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending