Jeepney bumaligtad: 7 sugatan

By John Roson October 10,2019
share this

Jeepney bumaligtad: 7 sugatan

By John Roson October 10,2019
share this

PITO katao ang sugatan nang bumaligtad ang isang pampasaherong jeepney sa Dasmariñas City, Cavite, Miyerkules ng gabi.

Itinakbo sa pagamutan ang pito, na may mga edad 19 hanggang 31 at karamiha’y residente ng lungsod, ayon sa ulat ng Cavite provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-6:30, sa bahagi ng Governor’s Drive na sakop ng Brgy. Sampaloc 1.

Minamaneho ni Ganie Nato, 44, ang jeepney (DFK-730) patungong Pala-pala, nang rumampa ito sa gutter at bumaligtad, ayon sa ulat.

Lumabas sa imbestigasyon na sadyang isinampa ng driver ang jeep sa gutter matapos umanong magloko ang preno.

Nasa kostudiya ng lokal na pulisya ang driver para sa karagdagang imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending