James, Nadine pinaghiwalay na, may kanya-kanyang project sa ABS-CBN

By Reggee Bonoan October 10,2019
share this

James, Nadine pinaghiwalay na, may kanya-kanyang project sa ABS-CBN

By Reggee Bonoan October 10,2019
share this

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

MUKHANG malabo nang magsama sa isang teleserye ang real life couple na sina James Reid at Nadine Lustre dahil may kanya-kanya na silang project sa ABS-CBN.

Naunang inanunsyo ng Dreamscape Entertainment ang bagong TV series na gagawin ni James kasama ang Momoland member na si Nancy McDonie, ang Soulmate na ididirek ni Antoinette Jadaone.

Masasabing paboritong direktor ni James si Antoinette dahil dalawang teleserye na ang pinagsamahan nila, ang On the Wings of Love (2015) at Till I Met You (2016), bukod pa ‘yan sa pelikulang nagawa nila, ang “Never Not Love You” (2018).

Samantala, magiging judge naman si Nadine sa bagong talent search ng ABS-CBN, ang Your Moment kasama sina Billy Crawford at Boy Abunda. Ito ang papalit sa The Voice Kids.

Magiging hosts ng programa sina Vhong Navarro para sa dancing category at Luis Manzano para sa singing category. Yes, 2-in-1 competition ito for singing and dancing at dalawa rin ang magiging entablado at dalawa rin ang tatanghaling grand champions.

Tapos nang i-shoot ang auditions at mid-rounds na kinunan entirely sa ABS-CBN Soundstage Studios sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ang Your Moment ay original concept ng ABS-CBN at ng Fritz Productions na planong ibenta sa ibang bansa. Kakaiba ang format ng Your Moment dahil ang audition process ay mapapanood through black and white.

Sanib-puwersa ang European at Filipino Team para sa original show na ito ng ABS-CBN at ayon sa aming source ay sobrang mahal ng programang ito.

Going back to Nadine, tiyak na me-enjoy niya ang Your Moment dahil maaalala niya rito ang pinagdaanan niya noong nagsisimula palang siyang gumawa ng pangalan. Ilang auditions din ang sinuong niya para lang mapasama sa isang girl group hanggang sa magsolo na siya at magkaroon ng sariling career.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending