Yassi pabibinyagan ang baby ng tinanggal na contestant sa ‘I Can See Your Voice’, magnininang pa

October 10,2019
share this

Yassi pabibinyagan ang baby ng tinanggal na contestant sa ‘I Can See Your Voice’, magnininang pa

October 10,2019
share this


HINDI man napanalunan ng isang contestant sa nakaraang episode ng I Can See Your Voice last Saturday night ang P25,000 prize, mas bongga pa ang natanggap niyang regalo.

Si Yassi Pressman ang celebrity guest nitong nakaraang Sabado at isa nga sa mga napili niyang tanggalin sa mga contestant ay isang certified see-nger na nakapag-uwi ng P10,000.

Ngunit nang magkuwento na ang nasabing contestant ng kanyang buhay bilang isang ina ay naantig ang puso ng leading lady ni Coco Martin sa Ang Probinsyano. Medyo hirap daw kasi ang pamilya niya ngayon lalo na’t lumalaki na ang kanyang baby na 7 months old na ngayon.

At dito na nga sinabi ni Yassi na siya na ang sasagot sa binyag ng bata kaya naman napaiyak na ang contestant at nagtatalon sa sobrang kasiyahan. Niyakap pa ni Yassi ang nanay sabay dialogue ng, “Naiiyak na rin ako.”

Kahit ang mga sing-vestigators na sina Bayani Agbayani, Wacky Kiray, Alex Gonzaga, Kean Cipriano at Andrew E ay na-touch sa nasabin eksena.

“Ate Yassi salamat po, kaya po napakaraming blessings na dumarating sa inyo dahil sa pagtulong n’yo sa mga nangangailangan. Anak, may pambinyag ka na,” mensahe ng contestant sa Kapamilya actress.

At hindi lang pabinyag ang regalo ni Yassi sa contestant, pwede rin daw maging ninang ng bata ang aktres. At malay n’yo baka imbitahan pa niya ang kanyang screen partner na si Coco sa binyagan.

Abangan sa darating na Sabado after Maalaala Mo Kaya ang isa na namang nakaka-good vibes at nakaka-inspire na episode ng I Can See Your Voice hosted by Luis Manzano sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending