Heart nandiri, idinura ang tinikmang isaw: Maarte ako pero mabuting tao…

October 10,2019
share this

Heart nandiri, idinura ang tinikmang isaw: Maarte ako pero mabuting tao…

October 10,2019
share this


“MAARTE po ako, pero mabuti akong tao!” ‘Yan ang ipinagdiinan ng Kapuso actress na si Heart Evangelista niyang subukan ang pagkain ng isaw.

Sa kanyang latest vlog entry, ipinakita ng misis ni Chiz Escudero kung kakayanin ba niyang kumain ng streetfood ng isaw sa hamon ng kanyang kapwa vlogger na si Mimiyuuuh.

Sa unang kagat pa lang ni Heart sa isaw ay hindi na niya ito kinayang nguyain at talagang idinura pa niya.
“I don’t like it! Hindi ako kumakain ng bituka. Naramdaman ko (pait], parang dinosaur! Ang sama!” chika ni Heart habang aliw na aliw naman siyang pinanonood ni Mimiyuuuh.

“Please don’t judge. Yes po, maarte po siguro talaga ako, pero mabuti naman akong tao, hindi ko lang talaga kayang kainin,” paliwanag ng Kapuso actress. Mas okay daw sa kanya ang lasa ng cheese sticks, fish balls, squid balls, kikiam at dynamite (siling berde na nakabalot sa lumpia wrapper).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending