PCSO may bagong tawag sa 6D, swertres, ez2 at 2 digit | Bandera

PCSO may bagong tawag sa 6D, swertres, ez2 at 2 digit

Leifbilly Begas |October 08,2019
facebook
share this

PCSO may bagong tawag sa 6D, swertres, ez2 at 2 digit

Leifbilly Begas - October 08, 2019 - 06:08 PM

PAPALITAN ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang pangalan ng apat na laro nito.

Ang 6 Digit Game ay tatawagin ng 6D Lotto, ang Suertres Lotto naman ay gagawing 3D Lotto at ang dating EZ2 Lotto ay 2D Lotto na.

Ang STL 2 Digits naman ay tatawagin ng STL SWER2 para maisunod sa larong STL SWER3.

Ginawa ang pagbabago upang mas madali umano itong makilala ng mga mananaya.

“Napagdesisyunan ng pamunuan ng PCSO na magkakaroon ng pagbabago sa mga gagamiting pangalan at logo sa mga larong Suertres at EZ2 ng PCSO para mas malinaw at mapadali ang pagkilala ng mga manlalaro at tumatangkilik sa mga nasabing laro. At para mahikayat pa ang iba pa nating mga kababayan na bumili ng mga tiket,” saad ng PCSO sa isang pahayag.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending