Vice awang-awang sa mga bashers nila ni Ion: Ipagdasal na lang natin sila | Bandera

Vice awang-awang sa mga bashers nila ni Ion: Ipagdasal na lang natin sila

|October 08,2019
facebook
share this

Vice awang-awang sa mga bashers nila ni Ion: Ipagdasal na lang natin sila

- October 08, 2019 - 12:23 AM

NIRESBAKAN ni Vice Ganda ang ilang taong inggitero at walang alam gawin sa buhay kundi ang mangnega at manira ng kanilang kapwa.
Sa kanyang Twitter account, malalim ang naging hugot ng Unkabogable Star sa mga taong naiinggit sa kaligayahang nararamdaman ng kanilang kapwa.

Hindi man diretsong binanggit si Vice kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang Twitter post, naniniwala ang kanyang fans and followers na ang pinatatamaan ng TV host-comedian ay ang mga netizens na hindi masaya sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Ion Perez.

Ayon kay Vice, “May mga taong ang tanging trabaho sa buhay ay pagmasdan ka at kainggitan ang mga tagumpay mo.

“At magpanggap na di sila natutuwa sayo at palabasing may mali sa mga ginagawa mo. Kaawa awa. Malulungkot,” dagdag pa niya.

Hinikayat pa ni Vice ang kanyang social media followers na ipagdasal ang mga naiinggit sa estado ng kanyang lovelife, “Don’t just ignore them. Pray for them. Be compassionate even to your detractors.”

Nauna nang ibinandera ni Vice na masaya sila ni Kuya Escort kung anuman ang meron sila ngayon. Espesyal daw sa kanya ang binata dahil, “Napapasaya niya ako, napapakilig niya ako at masaya kami sa isa’t isa.”

Sa isang Instagram post ni Vice tinawag niyang “My Joy” si Ion habang “reyna ko” naman ang tawag ni Kuya Escort sa gay comedian. Sinabi pa ng binata na walang makapipigil sa kanila nila ni Vice na iparamdam ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

“Lahat ng tama may rason para maging mali pero ang pag mamahal ko sayo walang rason para maging mali,” ang pahayag pa ni Ion.

Sa panayam naman kay Vice sa nakaraang presscon ng Showtime para sa 10th anniversary ng programa sinabi niyang masaya siya sa piling ni Ion.
“Ang daming masaya na masaya ako. Sa panahon ngayon, lalo na pag showbiz ka, mas mahalaga pag ‘yung artista malungkot, may iskandalo, kasi mas gustong pinag-uusapan ng mga tao ‘yon. Pag may nangyayaring masama doon sa mga artista, iyon ‘yung headline na lahat interesado.
“Pero ‘yung simpleng kasiyahan ko, na nararamdaman ko ang daming nagri-react, ang daming nag-aabang kung ano’ng susunod na mangyayari, na-o-overwhelem ako at grateful ako sa inyong lahat, dahil masaya kayo sa kasiyahan ko, at hindi niyo iyon gustong kontrolin,” aniya pa.

q

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending