Sharon handa nang magpahinga sa showbiz para sa mommy duties | Bandera

Sharon handa nang magpahinga sa showbiz para sa mommy duties

Cristy Fermin |October 08,2019
facebook
share this

Sharon handa nang magpahinga sa showbiz para sa mommy duties

Cristy Fermin - October 08, 2019 - 12:12 AM

SHARON CUNETA

Bumagay kay Sharon Cuneta ang maigsi niyang buhok. Mas napansin ang malaking ibinagsak ng kanyang timbang dahil sa kanyang panga na mas kitang-kita ngayon.

Pinakasimpleng artista si Sharon pagdating sa ayos ng buhok. Ayaw niyang gumamit ng kung anu-anong pangdekorasyon na hair pin, hanggang maaari ay ayaw niya ring magpa-spray net, basta nakabagsak lang ang ayos niya na napakasimple.

Sabi nga ng mga nag-aayos sa kanya ay walang ka-challenge-challenge na ayusan ang Megastar. Kung ibang sikat na artista lang daw ‘yun ay siguradong kung anu-ano nang ayos ang ipinagawa sa kanila.

Sabi nu’n ng isang assistant ng paborito niyang make-up artist na si Tita Fanny Serrano, “Wala, basta ibo-blowdry mo lang siya. Hindi siya nagpapa-rollers, kasi nga, bagsak lang naman ang ayos ng hair na gusto niya.

“No hairspray, walang decorative pins, kung ano ang ordinary niyang ayos kapag wala siyang show, ‘yun din ang ayos ni Sharon, wala siyang kaartehan sa buhok,” sabi nito.

Pagkatapos ng kanilang concert ni Regine Velasquez ay magpapahinga muna sa ibang bansa ang Megastar para samahan ang kanyang anak na sa New York mag-aaral.

Magpapabalik-balik pa rin naman daw si Sharon para alagaan ang iba pa niyang mga anak dito pati ang kanyang mister pero hindi muna siya tatanggap ng mga proyekto.

Aba, kung ang makina nga naman ay pinagpapahinga para mas pakinabangan, ang tao pa kaya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending