Joshua Garcia napaiyak sa b-day gift ng ina | Bandera

Joshua Garcia napaiyak sa b-day gift ng ina

Ervin Santiago |October 07,2019
facebook
share this

Joshua Garcia napaiyak sa b-day gift ng ina

Ervin Santiago - October 07, 2019 - 05:52 PM

NAPAIYAK ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia nang mabasa ang mensahe ng ina para sa kanyang 22nd birthday.

Hindi napigilan ng binata ang maluha sa Magandang Buhay matapos basahin ang sulat ng kanyang nanay. Mas lalo pang naging emosyonal ang aktor nang ibigay ng ina ang regalo nito.

“Thank you for loving me and you are always welcome sa bahay namin,” simulang pahayag ni Joshua. At mas nasorpresa pa siya nang iabot ng kanyang nanay ang ilang pahina mula sa isang libro tungkol sa filmmaking na gusto niyang pag-aralan ngayon.

“Sa ngayon film ang gusto ko. Sa ngayon ha, pero baka pagdating ng panahon ay mabago pa siya.

“Adik kasi ako sa photography at saka ‘yung mga direktor nakaka-inspire sila kapag dinidirek nila ako, parang gusto ko itong trabao na ito,” aniya pa.

Kung may isang bagay na natutunan si Joshua sa lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan niya nitong mga nakaraang taon ng kanyang buhay, “Huwag magmadali sa mga bagay-bagay.

“Kumbaga slow burn, patience, talaga huwag madaliin lahat ng bagay. Enjoyin mo every second na nabubuhay ka,” ani Joshua.

“May naisip ako recently. Sino ba ang dapat kong pasalamatan? Naisip ko, unang-una siyempre gusto kong pasalamatan ang tito kong pari, ang lola ko sa pagpapalaki sa akin ng maayos.

“Kumbaga tinuruan nila ako na makontento sa kung ano ang mayroon ako. Sa nanay ko, kumbaga hindi man niya ako nasaksihan na lumaki, eh, binuhay niya ako.

“Sa tatay ko na matiyaga na nagpalaki rin sa akin, na sumuporta sa akin at nandiyan palagi na naging nanay at tatay ko. Sabi ko ‘yun ang mga dapat kong pasalamatan talaga. Mari-realize mo sila dapat, kasi sila ang dahilan kung bakit nabubuhay ka,” pahayag pa ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending