Diphtheria: Anong dapat mong malaman para makaiwas dito | Bandera

Diphtheria: Anong dapat mong malaman para makaiwas dito

Melvin Sarangay - October 07, 2019 - 08:00 AM

KAMAKAILAN lang ay napabalita na may namatay na elementary student sa sakit na diphtheria subalit hindi pa naman inaanunsyo ng Department of Health (DOH) na mayroon ng outbreak ng sakit na ito sa bansa.

Bagamat sinabi ng kagawaran na mula noong Enero hanggang Setyembre ngayong taon, nakapagtala na ito ng 167 kaso ng diphtheria at 40 sa mga ito ay namatay.

Narito ang ilang impormasyon na dapat mong malaman tungkol sa diphtheria.

Ano ang Diphtheria?

Ito ay isang impeksi-yon na dulot ng bacteria na Corynebacterium diphtheria. Naaapektuhan nito ang lalamunan at itaas na bahagi ng daanan ng hangin. Dahil sa impeksiyon, naghahatid ito ng mga toxin na nakakaapekto sa iba’t ibang organ ng katawan.

Ang mga toxin ay nagiging sanhi ng paninigas ng mga dead tissue sa lalamunan at tonsils. Ito ang nagiging dahilan para ang may karamdaman nito ay mahirapang humi-nga o di kaya ay lumunok.

Mga sanhi ng Diptheria

Ang Corynebacterium diphtheria ay maaaring makuha sa iba’t ibang paraan at kabilang na rito ang:

1. Hangin

Kapag ang isang tao ay mayroon ng nasabing bacteria, maaari itong makahawa sa pamamagitan ng pag-ubo o pag-hatsing. Kapag ang droplets mula sa ubo o hatsing nito ay mahinga ng ibang tao, ang bacteria ay nakakapasok sa katawan.

2. Kontaminadong gamit

Maaaring makuha ang nasabing bacteria sa paggamit ng mga kontaminadong kagamitan. Kabilang dito ang tissue, basong hindi pa nahugasan o mga bagay na nadapuan ng bacteria mula sa tao na mayroong impeksiyong ito.

3. Kagamitan sa bahay

Bihira mang mangyari, maaaring maipasa ang nasabing bacteria sa mga karaniwang kagamitan sa bahay. Kabilang dito ang mga tuwalya at mga laruan.

Mga sintomas ng Diphtheria

Kapag ikaw ay nahawa ng diphtheria, makakaramdam ka ng sintomas nito dalawa hanggang limang araw matapos makuha ang nasabing bacteria. Ang ilan sa mga sintomas nito ay:

1. Makapal na membrane na kulay grey sa lalamunan at tonsils
2. Sore throat at pamamaos
3. Pamamaga ng lymph nodes sa iyong leeg
4. Hirap o mabilis na paghinga
5. Nasal discharge
6. Lagnat at panginginig

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa diphtheria na nakakaapekto sa balat ng tao, ang mga sintomas nito ay:

1. Pananakit ng bahagi ng impeksiyon
2. Pamumula at pamamaga
3. Grey membrane na bumabalot sa mga sugat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending