Sikat na young actress lover ng mayamang negosyante, binigyan ng bonggang bahay! | Bandera

Sikat na young actress lover ng mayamang negosyante, binigyan ng bonggang bahay!

Cristy Fermin |October 06,2019
facebook
share this

Sikat na young actress lover ng mayamang negosyante, binigyan ng bonggang bahay!

Cristy Fermin - October 06, 2019 - 12:40 AM

BAKIT kaya ayaw mamatay-matay ang umiikot na kuwentong ipinagpapagawa ng bahay ng isang kilalang milyonaryo sa ating lipunan ang isang magandang female personality?

Kapag sinabing milyonaryo, ibig sabihin ay may edad na ang lalaki, hindi naman ang kanyang anak ang napapabalitang karelasyon ng magandang babaeng personalidad.

Sa isang malaking chikahan ay pinagpistahan ang kuwento tungkol sa bahay na ipinagagawa ng milyonaryong negosyante sa female personality.

Sabi ng isang miron sa umpukan, “Kahit kasi sa business community, e, palaging ‘yun ang pinagkukuwentuhan. Du’n nga raw sa magandang female personality ang ipinagagawang magarang bahay ni sir!

“Saan naman mag-uugat ang kuwentong ganu’n kung walang pinanggagalingan? Natural, meron, kaya ‘yun ang umiikot na istorya, di ba? May apoy, kaya may usok!” simulang kuwento ng source.

Ang kuwento pa nga ay alam ng ina ng female personality ang mga nagaganap. Payag kuno si mommy na makipagrelasyon ang kanyang anak sa milyonaryong businessman.

Dagdag na kuwento naman ng isa pang source, “Matagal na ang isyung ‘yun, dapat, e, wala na ngayon kung wala namang katotohanan ‘yun, di ba? Pero bakit ganu’n pa rin ang kuwento?

“Ayaw mamatay-matay, may nakakakita pa nga raw du’n sa female personality na dumadalaw sa site kasama ang isang sister niya!

“Tingnan n’yo nga naman, ligaw na ligaw ang marami, nakakaiwas ‘yung female personality sa kuwento, kasi nga, e, may kontrobersiyal na isyung ibinibintang sa kanya!

“Du’n nakatutok ang attention ng lahat, pero meron palang isang mas makatas na istoryang dapat malaman ang mga tao, di ba?

“Pero nakapagtataka lang, napakabata ng girl para sa milyonaryong businessman! Kung anak o apo pa siguro ang involved, e, kapani-paniwala, pero ang negosyante?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala kang maiisip kundi hindi sila bagay! Para na silang maglolo! Sa totoo lang!” ingat na pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong naligaw rin kayo nu’n sa kuwento. Naligaw tayong lahat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending