Maine payag bang makatambal si Daniel sa susunod na pelikula? | Bandera

Maine payag bang makatambal si Daniel sa susunod na pelikula?

Julie Bonifacio |October 06,2019
facebook
share this

Maine payag bang makatambal si Daniel sa susunod na pelikula?

Julie Bonifacio - October 06, 2019 - 12:35 AM

CARLO AQUINO AT MAINE MENDOZA

“CONGRATULATIONS” pa lang ang natatanggap na suporta ni Maine Mendoza mula sa dati niyang ka-loveteam na si Alden Richards para sa bago niyang pelikula.

Ito ang inihayag ng TV host-actress sa ginanap na mediacon para sa kauna-unahan niyang movie project with Carlo Aquino sa ilalim ng Blacksheep (film arm ng Star Cinema) at APT Entertainment, ang “Isa Pa, With Feelings.”

“Ay, kasi, hindi pa naman po showing ‘yung pelikula. Pero before po nagkakuwentuhan na rin po kami kung tungkol saan po ang pelikula. Natanong naman niya ako about it.

“And very open naman po kami sa mga ginagawa naming projects. Napag-uusapan namin. Very happy kami sa success ng isa’t isa,” paliwanag ni Maine.

About Carlo naman, inamin ni Maine na marami raw siyang hindi malilimutang experiences with his leading man while shooting their film.

“Parang hindi ako makaisip ng isa lang. Pero siguro, pinakamaaalala at mami-miss ko ‘yung love-hate friendship namin sa isa’t isa. Ha-hahaha!”

Nilinaw naman agad si Maine sa harap ng entertainment press ang sinabi niyang love-hate relationship nila ni Carlo habang ginagawa ang movie.

“Hindi naman ‘yung ganu’ng level talaga. Pero naaliw lang ako na parang, nagpapakiramdaman kami.

May ganoon kaming moments. Tapos parang nabibigyan ng thrill ‘yung characters namin sa movie, and as Maine and Carlo, na parang minsan, ‘Okey ba siyang biruin? Okey ba siya?’”

Sumagot naman si Carlo at nagpaliwanag din sa love-hate relationship nila ni Maine sa movie, “Hindi kasi, grabe rin kaming mag-asaran kaya ‘yun. Kapag minsan hindi namin alam, ‘Napikon ba ‘yun or ano?

Totoo ba ‘yun?’ Mga ganoon. Pero naaayos din naman agad.”

Una naman sa mga katangian ni Maine na naibigan ni Carlo sa pakikipagtrabaho niya sa Kapuso star ay ang pagkakaroon nito ng sense of humor. Pero pinalagan agad ito ni Maine.

“Sense of humor lang? Ha-hahaha!” Dumepensa rin naman agad si Carlo sa sinabi niya. “Hindi, ‘yun talaga ‘yon, e. Maganda, saka mabait.”

Sa pakikipagtrabaho ni Carlo kay Maine, knows niya na maba-bash siya ng fans, lalo na ng mga loyal supporters nina Alden at Maine. Pero si Carlo, tila ‘di naman afraid sa bashing, “Sanay na naman ako ma-bash,” matapang na sabi ni Carlo.

Anyway, after Carlo, wala pa raw nilu-look forward si Maine sa susunod na magiging leading man niya. Bagamat ang daming nagsasabi at nagre-request sa social media na itambal din sana siya kay Daniel Padilla.

Since nag-pair na nga sa movie ang respective loveteam nila na sina Kathryn Bernardo at Alden why not sila naman ni DJ ang pagtambalin.

“Wala pa po for now. Pero tingnan natin kung sino po doon sa offer na mga proyekto in the future,” tugon ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Isa Pa With Feelings’ ay idinirek ni Prime Cruz at ayon sa head ng Blacksheep na si Kriz Gazmen, isasali rin daw nila sa iba’t ibang international film festival ang “Isa Pa With Feelings” dahil sa social relevance ng movie tungkol sa PWDs. Mapapanood na ito sa Oct. 16.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending