Maine kumasa sa hamon ng TBATS; 2 stand-up comedian nabiktima ni Ethel | Bandera

Maine kumasa sa hamon ng TBATS; 2 stand-up comedian nabiktima ni Ethel

Bandera |October 06,2019
facebook
share this

Maine kumasa sa hamon ng TBATS; 2 stand-up comedian nabiktima ni Ethel

Bandera - October 06, 2019 - 12:25 AM

MAINE MENDOZA AT ETHEL BOOBA

TIYAK na sasakit na naman ang tiyan at panga n’yo sa katatawa sa muling pag-ariba ng isa na namang espesyal na episode tonight ng The Boobay And Tekla Show sa GMA 7.

TBATS viewers are in for another wild and wacky episode as we usher in the month of October with a cornucopia of feelings and emotions.

Unang pasabog ng TBATS ay ang pagbabalik ng reigning Box-Office Queen na si Maine Mendoza. Muling patutunayan ng Dubsmash Queen ang kanyang versatility as an actress sa bagong segment ng show na “Roleta ng Kadramahan.”

Kumasa si Maine sa hamon nina Boobay at Super Tekla: ang gayahin ang mga popular movie lines at lyrics ng song lyrics (na nakalagay sa roleta) gamit ang iba’t ibang uri ng emosyon at feelings. The studio audience will then judge their output by flashing two signs: Check or Chaka.

Sa “May Forever” segment naman, gagampanan nina Boobay at Tekla ang matandang magdyowa na nagkainlaban sa edad nilang 90. Ang tanong, ano ang gagawin ni lola kapag lumuho sa harapan niya si lolo at biglang nag-propose?

May bonggang paandar din ang StarStruck Season 7 winners na sina Kim de Leon at Shayne Sava plus StarStruck Avengers Allen Ansay and Lexi Gonzales. Abangan ang inihanda nilang pasabog na aktingan kasama sina Boobay at Tekla.

“TBATS Horoscope” returns with Madam Boobay and Madam Tekla. The two fortune tellers will be joined by Maine in the segment.

Samantala, sa “Pranking In Tandem” siguradong maloloka kayo sa gagawing pambibiktima ni Ethel Booba sa dalawang aspiring stand-up comedian. Kayanin kaya nila ang powers ni Ethel o baka naman si Ethel ang sumuko sa kanyang mga victim.

Lahat ng pampa-good vibes na ‘yan mapapanood na tonight sa The Boobay and Tekla Show right after Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7 lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending